StarStruck princess Iwa Moto speaks against pyramid scam

IMAGE 0


Young actress Iwa Moto admitted that she was once offered by her ex-boyfriend Yexel Sebastian to join the networking company FrancSwiss. "Dati ko pa naririnig ‘yang mga scam na ‘yan. Talagang magiging cause of problem lang, kaya hindi na lang," she says.



Inalok pala ang young actress na si Iwa Moto ng former boyfriend niyang si Yexel Sebastian na mag-invest sa FrancSwiss. As we all know, isa ang dancer na si Yexel sa mga celebrities na matapang umamin na naging biktima siya ng naturang networking scam, gaya ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

"Actually, kinukuha niya ako. Sabi ko, ‘Ha? Hindi ko alam ‘yan e!' Siyempre, madali nga ‘yung pera, pero alam mo ‘yon, parang it's still a scam.

"Dati ko pa naririnig ‘yang mga scam na ‘yan. Talagang magiging cause of problem lang, kaya hindi na lang," pahayag ni Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kung Mahawi Man ang Ulap last Wednesday, July 25.

Magkaibigan pa rin ba sila ni Yexel hanggang ngayon?

"Oo. Ako naman, hindi naman ako nagku-close ng door sa friendship," sagot ng StarStruck 3 First Princess.

Kung sakaling ligawan ulit siya ni Yexel, sasagutin ba ni Iwa?

"Hindi. Kaibigan na lang muna," diretso niyang tugon.

Nang tanungin naman kung may mga nanliligaw sa kanya ngayon, tumawa lang si Iwa.

Natuloy ba ang napabalitang panliligaw sa kanya ni Wes Gatchalian na ikinampanya niya noong nakaraang eleksiyon?

"Hindi, pero friends pa rin kami. Nagte-text pa rin kami, super friends," aniya.

"Pero alam mo ‘yon, nagpa-plan kaming lumabas, pero tuwing magpa-plan kami, laging may aberya. Kunwari ngayon, mamaya na ‘yung dinner or lunch namin, biglang magkakaroon ako ng work, or hindi naman kaya, may emergency," kuwento ni Iwa.

Imposible naman kasing walang ma-attract kay Iwa na isa sa sexiest female celebrities around. Paano ba niya name-maintain ang kaseksihan niya?

"Hindi na po ako kumakain!" tawa niya.

"Ano lang, medyo control talaga. Kasi, di ba, tumaba ako? Tapos kailangan kong ibalik ‘yung figure ko, kasi kung hindi, mawawalan ako ng mga trabaho," sabi ni Iwa whose vital statistics are 37-27-36.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama si Iwa sa bagong Sine Novela ng GMA-7 na Kung Mahawi Man ang Ulap, kung saan gaganap siyang kontrabida. Ang ila pa niyang co-stars ay sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Glydel Mercado, Gardo Versoza, Jeremy Marquez, at Hazel Ann Mendoza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN