Roxanne Guinoo says she will not be axed from "Wowowee"

IMAGE 0


"Mahirap talaga kung sa mahirap, pero kinakaya ko naman ang schedule ko. Ang ginagawa ko na lang, pag nasa studio na ako at hindi pa naman start ang show namin ay natutulog muna ako sa dressing room. Pero it doesn't mean naman na kaya ako natutulog dahil tinatamad na ako sa show namin," explains Roxanne Guinoo.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Roxanne Guinoo kahapon, July 29, bago siya isalang sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz para sa promo ng Natutulog Ba Ang Diyos?.

Pinabulaanan ng young actress ang balitang tatanggalin na siya sa noontime show na Wowowee bilang isa sa co-host ni Willie Revillame at ibabalik na si Janelle Jamer. Hindi na raw kasi kaya ng dalaga na mag-report sa Wowowee dahil lagi siyang puyat sa taping ng soap opera niya.

"Hindi ako tatanggalin sa Wowowee," diin niya. "Isang beses lang naman akong nag-absent doon kasi that time ay may promo kami para sa Natutulog Ba Ang Diyos?. May times talaga na after ng taping ko, dumidiretso na ako sa Wowowee.

"Mahirap talaga kung sa mahirap, pero kinakaya ko naman ang schedule ko. Ang ginagawa ko na lang, pag nasa studio na ako at hindi pa naman start ang show namin ay natutulog muna ako sa dressing room. Kailangan kasi pag isinalang ako, dapat mataas ang energy ko, di ba? Pero it doesn't mean naman na kaya ako natutulog dahil tinatamad na ako sa show namin," paliwanag ni Roxanne.

Nilinaw rin ni Roxanne na walang katotohanan ang naisulat na diumano'y nagpa-plastikan lang sila ng co-host niya sa Wowowee na si Mariel Rodriguez.

"Hindi kami nagpaplastikan ni Mariel. 'Yung nagkukuwento nun, baka siya ang namamlastik kay Mariel, sa totoo lang," medyo mataray na sagot ni Roxanne.

Sino ba ang tinutukoy niya?

"Hindi ko na kailangang banggitin pa kung sino siya dahil alam naman niya kung sino siya. Basta kami ni Mariel, magkaibigan talaga kaming dalawa. Pinadalhan ko pa nga siya ng food nung absent ako sa Wowowee kasi sobrang na-miss ko siya, e," sabi ni Roxanne.

Mula sa 6:00 p.m. ay inilipat sa primetime ang Natutulog Ba Ang Diyos? nila nina Jake Cuenca at Joross Gamboa. Ano ang pakiramdam ni Roxanne dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Blessing na napunta kami sa primetime," sabi niya. "Hindi natulog si Lord! Alanganin kasi 'yung timeslot namin. Maraming hindi nakakapanood kaya maraming nag-email sa ABS na sana raw ay i-move nila ng oras. Pinagbigyan naman ng ABS 'yung mga nag-request."

Hanggang ngayon, kahit may Jake Cuenca na sa buhay ni Roxanne ay pilit pa rin siyang nili-link ng iba sa dati niyang boyfriend na si Joross Gamboa. Mahal pa rin daw ng aktres si Joross. Ano ang reaksiyon ni Roxanne dito?

"Deadma na lang ako doon dahil wala na naman talaga akong feelings kay Joross. Pinipilit ng iba, pero wala na talaga," giit niya bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN