FIRST READ ON PEP: Roxanne Guinoo axed from "Wowowee"

IMAGE 0


Young actress Roxanne Guinoo cried uncontrolably after finding out that she had been axed from the ABS-CBN noontime show Wowowee. The show's big bosses explain that Roxanne's hectic schedule is the reason they decided to take her out of the show.



Habang isinusulat namin ang balitang ito ay nag-iiyak pa rin sa kanyang dressing room sa studio ng ABS-CBN ang young actress na si Roxanne Guinoo. Ang dahilan ay ang pagkakatanggal sa kanya bilang co-host ni Willie Revillame sa noontime program ng ABS-CBN na Wowowee.

Malaking sorpresa ito para kay Roxanne dahil kahapon lamang ay lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang interview sa young actress na nagsasabing hindi siya tatanggalin sa Wowowee. May balita kasi na dahil sa hectic schedule ni Roxanne ngayon, dahil na rin sa taping ng soap opera na Natutulog Ba ang Diyos?, ay mukhang hindi na kakayanin ng young actress ang maglagare pa sa daily hosting job niya sa Wowowee.

Sa panayam nga ng PEP kay Roxanne ay sinasabi nitong kinakaya naman niya ang ganung klaseng schedule, although inamin niyang talagang nahihirapan siya.

Ayon sa isa sa mga big bosses ng Wowowee ay ilang araw na raw nilang ipinarating sa handler ni Roxane ang desisyon ng management na tatanggalin na nga siya sa naturang noontime show. Pero kanina, July 31, lang daw nalaman ni Roxanne mula sa business unit head ng show na si Cynthia "Mama Bear" Jordan.

Sa sobrang sama raw ng loob ng young actress ay ilang oras itong nagkulong sa dressing room. Siyempre pa ay kinausap siya ng staff ng show upang kalmahin. Maski na ang napapabalitang boyfriend niya na si Jake Cuenca ay biglaang dumating, pero hindi rin ito nagtagal sa loob ng dressing room.



Kinumpirma sa PEP ng executive producer ng Wowowee na si Harold Nueva na dahil sa pagiging ngarag sa trabaho ni Roxanne kaya nagdesisyon ang management na alisin na lang siya sa show. Mas mahalaga pa rin daw kasi ang kalusugan ng young actress kesa sa kikitain niya sa show.

Kuwento pa sa amin ng isang staff ng Wowowee, maski raw si Willie ay awang-awa kay Roxanne. Madalas daw kasi itong dumating sa show na inaantok pa. From the taping daw kasi ng Natutulog Ba ang Diyos? ay diretso na si Roxanne sa studio ng Wowowee at doon na lang matutulog sa dressing room. Sa awa raw ni Willie kay Roxanne ay pati na ang folding bed niya ay ipinagagamit na rin niya sa young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginigising na lang ng staff si Roxanne sa sandaling kailangan na ito sa stage. Doon na rin daw sa dressing room ng Wowowee nakikiligo si Roxanne, na hindi naman kagaya ng dati na darating siya sa show na handang-handa na.



Dagdag pa ng isang staff ng Wowowee, pagkatapos daw ng show ay nalalaman pa nilang babalik na naman si Roxanne sa taping ng Natutulog Ba ang Diyos? na inaabot ng magdamag.



Bukod sa Natutulog Ba ang Diyos? ay kasama rin si Roxanne sa sisimulang fantaserye na Lastikman. Kaya kesa naman may mangyari pang hindi maganda sa kalusugan ni Roxanee ay nagdesisyon na raw ang management na pagpahingahin muna si Roxanne bilang isa sa mga co-hosts ni Willie sa Wowowee.



Si Roxanne ang ika-apat na co-host ng Wowowee na nawala sa programa. Nauna sa kanya sina Iya Villania, Kat Alano, at Janelle Jamer. Tanging si Mariel Rodriguez na lang ang natitira.

Nang hingin namin ang reaksiyon ni Mariel tungkol sa pagkakatanggal kay Roxanne ay napailing na lang ito at naiyak na rin. Maski raw siya ay nabigla sa naging desisyon ng management.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN