Drew Arellano asserts he and girlfriend Iya Villania live separately

IMAGE 0


Drew Arellano and Iya Villania have been in a long relationship without living together or thinking of wedding bells. He says, "Basta ang bottomline is, I love Iya and I know that she is the one."



Mariing itinanggi ng Coke reality show co-host Drew Arellano ang bali-balitang nagli-live-in na sila ng kanyang longtime girlfriend na si Iya Villania. May mga nakakakita kasi kay Drew na parating nasa condo unit ni Iya.

Pero ayon kay Drew ay sa magkaibang unit sila nakatira. "'Yung condo unit kasi ni Iya ay malapit lang sa condo unit ko. As in halos magkatabi lang ‘yung buildings kaya madali akong makapunta sa kanila," paliwanag ni Drew nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng Coke's Ride To Fame.



Dagdag pa niya, "Kung nakikita man ako sa unit ni Iya, it means na dinadalaw ko siya or nagha-hangout lang kami. Kasama ni Iya sa condo unit niya ay ang mother niya at hindi ako. Maingat naman kami ni Iya at ayaw naming basta na lang natsitsismis."



Nang tanungin si Drew kung may plano na ba siyang mag-propose kay Iya, natawa lang ito.



"Oo, baka nga next year... next year ay hindi pa ako ready!" malakas na tawa niya. "Wala pa naman sa amin ni Iya ang usapang magpapakasal kami. We are still young and marami pa kaming gustong gawin sa career namin. I think ‘yung pagpapakasal is far from our minds pa.



"Pero who knows, di ba? Baka magkalakas-loob na ako next year o baka this year, ma-dare ko ang sarili ko to propose to Iya. We don't know, e. Many things can happen naman. Basta ang bottom line is I love Iya and I know that she is the one."



Sinabi rin ni Drew na hindi naman naaapektuhan ang pagsasama nila ni Iya ng mga intriga. Just recently ay na-involve ang name niya sa mga lalaking naka-sex diumano ni Ethel Booba.



"Yung mga intrigues, parte ‘yan ng buhay natin lalo na sa mga may karelasyon. It's the spice that make things happen, di ba? Sa amin naman ni Iya, we're not affected by it. Cool lang kaming dalawa," sabi ni Drew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sina Drew at Karel Marquez ang hosts sa bagong musical reality show ng GMA-7, Coca-Cola Ride To Fame: Yes To Your Dreams.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN