Nicole Anderson quits showbiz to study abroad

IMAGE 0


Nicole Anderson, daughter of former beauty queen-actress Jean Saburit, is set to leave showbiz for her studies in the US. She used to be a mainstay of SOP Gigsters, the teen-skewed portion of SOP.


Nagpaalam ang young actress Nicole Anderson na iiwan muna niya ang pag-aartista para harapin ang mas malaking hamon—ang pagbabalik-eskuwela.

Matagal na raw nila itong napagdesisyunan ng kanyang inang si Jean Saburit. Naging beauty queen si Ms. Saburit noong 1975, at sumikat bilang aktres noong dekada '80. Naging priority niya ang showbiz. Ayaw raw niya itong mangyari sa kanyang anak.

"'Yung mommy ko kasi, di ba, hindi nakatapos dahil showbiz ang na-prioritize niya? So ako, gusto ng parents ko na makatapos ako, kasi iba talaga ang may natapos ka," sabi ni Nicole.

Nakatakdang umalis si Nicole sa huling linggo ng Agosto papuntang San Francisco at mag-aral sa isang unibersidad doon. Susubukan lang daw niya ng apat na buwan hanggang isang taon ang manirahan sa Amerika nang mag-isa.

"Hindi ko pa rin kasi alam kung kaya ko. This is the first time na mag-isa lang ako. Well, takot pero excited din. Kung matapos ko 'yung course ko do'n, pagbalik ko, bata pa rin naman ako. So puwede pa rin naman akong mag-showbiz.

"Dun naman sa course ko, Theatre Arts ang minor ko so I can still act," dagdag niya.

Kung hindi raw mag-work ang pagtira niya sa US ay siguradong babalik siya dito, pero sigurado ring magiging priority niya raw ang pag-aaral.

"I'm gonna miss everyone. May nagte-text na 'congratulations and I'll miss you.' I don't wanna name names, pero okay lang. Basta mami-miss ko lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN