StarStruck First Prince Gian Carlos struck by tragedies

IMAGE 0


Young actor Gian Carlos is not visible on television these days. He spends much of his time in Cebu, taking care of his sick uncle.



Sunud-sunod pala ang trahedyang nangyayari ngayon sa buhay ng StarStruck 3 First Prince na si Gian Carlos.

This year lang ay sumakabilang-buhay ang kanyang lola sa Iloilo. Ang lola niya ang nagpalaki kay Gian noong inabandona siya ng kanyang mga magulang.

Pagkatapos ng lola ay sumunod namang namatay ay ang kanyang tita. Binawian ito ng buhay nang dahil sa breast cancer. Close din daw si Gian sa tita niyang ito.



Ngayon, ang tito naman niya ang maysakit at baka raw cancer din. Mula sa Iloilo ay nilipat daw sa Cebu ang kanyang tito dahil mas kumpleto ang hospital facilities doon kesa sa Iloilo. Kaya naman pala hindi masyadong visible ngayon si Gian dahil madalas siyang nasa Cebu.

"Tulung-tulong kami ng mga kamag-anak ko para sa gastusin ng tito ko sa ospital," sabi ni Gian nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kaya minsan ay nasa Cebu ako para bisitahin siya at alamin kung ano pa ang kailangan. Panay nga ang dasal ko na sana magkaroon ng paraan para gumaling siya."



Walang regular show ngayon si Gian. Ang pinakahuli niyang nilabasan ay ang Posh sa QTV 11. Puro lang siya mga out-of-town shows at taping ng segment ng StarStruck graduates sa Startalk.



"Alam naman ng GMA Artist Center ang problema ko at ginagawan naman nila ng paraan na may kitain ako weekly. Sa ngayon, okay naman ako kasi nagtutulungan kaming mga magkakamag-anak sa gastusin sa ospital," pahayag ng young actor.



Nagpapasalamat si Gian dahil na-renew ang contract niya bilang endorser ng BNY.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN