Mr. Angel Colmenares denies rumor Angel's mother is a maid

IMAGE 0


"Walang relevance talaga sana ito sa career ni Angel. But nonetheless, to satisfy you, I will say no, she is not a maid," declares Mr. Angel Colmenares (left) about the identity of Angel Locsin's (middle) mother. Meanwhile, Angel's manager, Becky Aguila (right) says that the young actress, who is now in London, gets the latest news from showbiz through PEP.



Isa sa mga napag-usapan sa presscon na ibinigay ng ABS-CBN last Friday, August 3, para sa manager at ama ni Angel Locsin na sina Becky Aguila at Mr. Angel Colmenares ang tungkol sa morality clause ng kontrata ng young actress sa kanyang mga advertisements. Lahat daw ng kontrata sa product endorsements ni Angel ay may morality clause. But despite all the negative issues na ibinato kay Angel, wala raw ni isa man sa mga iniendorso niyang mga produkto ang nag-pullout.

"Nakakatuwa nga," umpisa ni Becky Aguila. "Sila [advertisers] mismo ang nagte-text at tumatawag na they will support Angel. This is just a network feud or something. Hindi sila naniniwala kasi siyempre kilala nila si Angel, nakaka-interact nila ‘yan. Angel, according to them, is well-loved. So, not to worry. They've given their full support and we're very grateful to our sponsors."



May kumalat din na tsismis na diumano'y may text messages na ipinapadala sa mga advertisers para siraan si Angel. Totoo ba ito?



"I'm not aware of that. We have the full support of the advertisers," diin ni Becky.



THE MOTHER OF ANGEL. One of the most awaited questions na hinihintay ang kasagutan mula mismo sa bibig ng ama ni Angel ay kung ano ba talaga ang kalagayan sa buhay ng ina ng young actress nang makilala ito Mr. Colmenares. Totoo nga ba na dating maid ng daddy ni Angel ang ina ng young actress?



Natawa sandali ang ama ni Angel at saka sinagot ang tanong.



"Walang relevance talaga sana ito sa career ni Angel. But nonetheless, to satisfy you, I will say no, she is not a maid," sabi ni Mr. Colmenares.



Nasa bahay raw ang ina ni Angel habang nagaganap ang press conference sa ABS-CBN. Hindi lang nilinaw ni Mr. Colmenares kung kaninong bahay—kung kasama niya o sa ibang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Inalam din namin sa ama ni Angel kung ano ang reaksiyon ng ina ni Angel sa mga nangyayari at naglalabasang issues.



"Ah, galit syempre, pero okey lang," matipid na sagot ni Mr. Colmenares.



Hindi ba lalabas ang ina ni Angel sa telebisyon para ipagtanggol ang kanilang anak sa mga naglabasang intriga at paninira?



"Ah, I don't think she wants to," malumanay na sabi ng bulag na ama ni Angel.



ANGEL'S FEELINGS.
Binalikan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Becky ng tanong upang alamin kung ano ang saloobin ni Angel sa lahat ng pangyayari at ang batikos na ni hindi sila nagpaalam nang maayos sa GMA-7.



"She's hurting, malungkot," sabi ni Becky. "And sabi niya sa akin, ‘Tita, pag-uwi ko, ha, pupunta ako kay Tita Wilma [Galvante, GMA-7's SVP for Entertainment TV]. Magpapaalam ako nang pormal sa kanila. Kay Tita Redgie [Magno, production manager], nami-miss ko sila. Mahal ko sila, e.' 'Tsaka kay Ms. Anette at Atty. [Felipe] Gozon, ‘tsaka kay Joey Abacan [of GMA Films] na, you know, she has grown attached with dahil doon sa The Promise.

"Family din naman namin sila, e. Sana matapos na rin ito. Ang pakiusap ko rin sana sa inyo [entertainment press], tapusin na natin ‘to. Gusto naming pag-uwi ni Angel [from London], panibagong station, panibagong buhay. Sana wala nang mga ganitong tanong.

"Kasi right now she's really affected. Nag-i-school siya, pero she's bothered at the same time. Nandun, nagmumukmok doon sa kumbento.

"So, tama na, marami na ang ibinato sa kanya. Hindi lang professional, tungkol sa trabaho, kundi masyadong mga personal na hindi naman natin dapat pakialaman pa, ‘di ba?

"Nakakalungkot 'tsaka hindi pa totoo. ‘Yun ang masakit. ‘Yung sex video, yung buntis isyu. There's no such thing. Si Angel is a good girl, I can assure you that. Nagkaroon man kami ng tampuhan niyan, mommy-daughter tampuhan lang ‘yan. Pero mabait na bata ‘yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinagdag din ni Becky na nakakarating daw kay Angel sa London ang lahat ng mga intriga at batikos na ipinupukol sa kanya dito sa Pilipinas. Dala-dala pa rin daw kasi ni Angel ang SIM card niya kaya nakakatanggap pa rin siya ng text messages galing sa Pilipinas.

Ayon pa kay Becky, nababasa rin daw ni Angel ang mga balitang showbiz sa Internet sa pamamagitan ng PEP. Aware din si Becky na ang tawag kay Angel ng mga PEP users na nagku-comment ay "Dark Angel" at siya naman ay "Beckykang."

FORMAL GOODBYE. Nabanggit ni Becky na pagdating ni Angel sa Pilipinas ay makikipagkita ang young actress sa mga GMA executives para pormal na makapagpaalam. But isn't it too late for Angel para magpaalam pa sa mga boss ng GMA-7 gayong pipirma na siya ng kontrata sa ABS-CBN?

"I told naman Ma'm Wilma that time that she will be the first to know and we complied. Now, siguro naman it's never too late for anyone to do it formally. Because si Angel naman talaga ang artista nila dito, siguro it's very important for Angel to say goodbye properly to GMA-7.

"Like what I said, malaki ang utang na loob namin sa GMA. Binuhay ng GMA ang pamilya ko, and likewise with Angel. Malaki ang naitulong nila sa amin and we will forever be grateful to them. We love them and we wish them well. Lahat ng shows nila na lalabas, you know, sana mag-rate. We really wish them the best.

"Mahal namin ang GMA. Bilog naman ang mundo. We can never tell, so sana huwag silang tumuldok. Sana in time, maintindihan nila ‘yung desisyon na ginawa namin ni Daddy [Mr. Colmenares] for Angel," maramdaming pahayag ni Becky bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN