Ruffa Gutierrez welcomes Angel Locsin's transfer to ABS-CBN

IMAGE 0


Ruffa Gutierrez, before she became a Kapamilya last June, used to be a GMA-7 talent. Now, other than hosting The Buzz, she is set to star in ABS-CBN's upcoming TV series, Kokey.


Minarapat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksyon ni Ruffa Gutierrez sa paglipat ni Angel Locsin sa Dos. Natural lang dahil ka-loveteam ng kapatid niyang si Richard Gutierrez si Angel, at nawalan si Richard ng isang leading lady sa paglipat ni Angel.

"You know, change is good, especially when it comes to people's careers. I mean, everybody has to grow up, everybody has to change, go to different directions.

"So kung nawala man si Angel sa kanya as a leading lady, may kapalit naman, and the same way siguro for Angel. And I think it's good also to try different partners, di ba? Because in real life naman... I mean they're not really together as a couple, they're just screen partners, then malay mo, two years from now, puwede silang mag-reunion, that makes it more exciting sa mga fans, I think," pahayag ng host-actress.

So positibo ito for Ruffa...

"I think it's a positive thing, yeah! I think Richard is good looking, and I think he also needs to be with other leading ladies, hindi siya ma-identify with just one woman, the same way that Aga Muhlach and Richard Gomez, iba-iba'ng leading ladies nila."

But being a Kapamilya also, ano ang naramdaman ni Ruffa sa paglipat ni Angel?

"Exciting! For me, that's a very touchy topic because, you know, friends ko rin ang mga taga-GMA, friends ko rin ang mga taga-ABS, but for me, I'm not in the position to give a comment on that, because I mean, we're not blood related, or she's not my sister."

But as a co-worker?

"Of course I welcome her. Just like everybody else welcomed me when I signed a contract with ABS-CBN, of course, I welcome her also.

"And we're very excited to have her on The Buzz."

Maiba naman, hindi pa ba dumarating si Ruffa sa point na nabu-burnout na siya sa dami ng trabaho niya? This coming September 16, may upcoming project siya with her brothers Raymond and Richard, ang RRRampa, na isang charity fashion event na gaganapin sa Rockwell Tent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro naranasan ko 'yun nung araw, nung kasing-age ko pa lang si Angel. But now kasi, I choose my schedules, eh!

"‘Pag nakikita ko na medyo napapagod na ako, naste-stress na si Jun Lalin dahil talagang 2:00 a.m. na 'ko natapos, 9:00 a.m. ang call time ko! I-move mo 'yan! Eye bags ko!'.

"Kailangan asikasuhin ko pa 'yung mga anak ko, I mean, I don't wanna work naman like, 'yung super-over na, I still wanna have time para magpa-manicure, pa-pedicure. I mean, I feel I'm at that point in my life now where I can also say what I feel, nasa magandang pag-uusap naman 'yun, eh," paliwanag ni Ruffa.

Ang proceeds ng RRRampa, na isang fund-raising celebrity bazaar sa umaga at isang evening fashion show/auction sa gabi ng mga top designers, ay mapupunta sa World Visionat saMake-A-Wish Foundation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN