PBB ex-housemate Chx Alcala reconciles with ex-boyfriend

Aug 7, 2007
Former Pinoy Big Brother housemate Chx Alcala (left) has reconciled with ex-flame Love Thaddani (right), whom she accused of circulating her sexy photos while she was still inside Bahay Ni Kuya.


In the first season of Pinoy Big Brother, housemate Chx Alcala and her boyfriend, aspiring model Love Thaddani, had a spat nang naging close sina Chx at ang bagong pasok noon sa Bahay ni Kuya na si Sam Milby.

Bago pa man lumabas si Chx, biglang nagkalat ang mga sexy pictures ni Chx na galing daw sa cell phone ng kanyang boyfriend, na by that time ay inisplitan niya na. It showed Chx in sexy bra and thong on the bed posing sexily.

Hindi tinanggi ni Chx na siya nga ang nasa larawan ngunit sinisi niya ang kanyang ex sa pagkalat ng litrato.

Nag-explain naman si Love na hindi niya kasalanan ito dahil nasira ang cell phone niya that time at pinaayos sa Greenhills noon at malamang na nakopya raw ang mga pictures niya. Nangyari ang explanation noon sa presscon ng Private Property model search kung saan nakasali ang male model.

Continue reading below ↓

Wala nang masyadong nabalita sa dalawa at hindi naging as visible as the other PBB housemates si Chx. Wala na ring naging follow-up ang model search na sinalihan noon ni Love.

Ipinakikilala si Chx sa Signos, ang Daven Productions digital movie written and directed by Aloy Adlawan (scriptwriter ng Ouija).

Naibalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ni Chx na nagkabalikan na pala sila ni Love.

"Tapos na 'yon, matagal na. Matagal na rin kaming nagkabalikan po," sabi ni Chx over lunch sa presscon ng Signos kahapon, August 6, sa Don At Teban restaurant sa may Tomas Morato.

"Nasa labas nga siya, siya ang naghatid sa akin kasi nasira ang sasakyan ko. Ayaw niya lang magpakita, hindi naman daw siya kasali sa pelikula."

Forgive and forget daw ang nangyari sa kanila.

Biniro namin kung nagpu-pose pa si Chx sa cell phone ni Love. Sagot niya, hindi na raw siya tumutuwad—may ilang shots kasi noon na nakatuwad siya.

Continue reading below ↓

Tinanong namin kung tumuwad ba siya sa Signos.

"Hindi po, tumihaya po ako. Patay na kasi ako rito kaya nakatihaya naman!" pabirong sagot ni Chx.

Kung sakaling mag-alok sa kanya ang Playboy magazine, tutuwad kaya ulit siya?

"Oo naman! International magazine, ‘yun ‘no!" mabilis niyang sagot.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Pinoy Big Brother housemate Chx Alcala (left) has reconciled with ex-flame Love Thaddani (right), whom she accused of circulating her sexy photos while she was still inside Bahay Ni Kuya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results