Nora Aunor might come back to the Philippines end of this year

Aug 7, 2007
Rumor has it that Superstar Nora Aunor might return to the Philippines either in November or December this year.


Pagkatapos maipalabas ang special episode ng Nagmamahal, Kapamilya ng ABS-CBN last Saturday, August 4, kung saan na-feature ang Superstar na si Nora Aunor, muling nabuhayan ang mga naiwang fans ni Nora.

Sabi ng nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na isang Noranian sa GMA-7 compound kahapon, August 6, hindi na rin nila kukuwestyunin ang estado ni Nora at ng kanyang manager na si Norie Sayo.

Nabanggit din namin na nakita namin si John Rendez sa background ng footage na ipinalabas, meaning magkasama pa rin ang dalawa.

"Si John, parte na ng buhay ni Nora, hindi na mawawala 'yan," sabi ng Noranian.

Sa kanila namin nabalitaan na may balak nang umuwi si Nora either November or December this year.

Already, may nagpaplano na ring mag offer ng isang independent movie sa Superstar kung matuloy nga siya sa pag-uwi. Isang Noranian director ang may plano nito, pero nag-request ang direktor na huwag na muna siyang pangalanan dahil everything is up in the air pa naman, depende kung matutuloy ngang umuwi si Nora.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Nora Aunor
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumor has it that Superstar Nora Aunor might return to the Philippines either in November or December this year.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results