PEP EXCLUSIVE: Lotlot de Leon speaks candidly on rift with Nora Aunor

IMAGE 0


"I am sure kapag nag-usap na kami, maiintindihan namin pareho ang lahat-lahat, sa mga bagay-bagay that concerns us," says Lotlot de Leon (right) about misunderstanding with her mom, Superstar Nora Aunor (left).



Nakarating na kay Lotlot de Leon ang naging komento ng kanyang ina sa Nagmamahal, Kapamilya ng ABS-CBN noong August 4, sa diumano'y hindi pagsagot ni Lotlot sa mga tawag niya mula sa Amerika. Sa tono ng pananalita ni Nora Aunor, tila galit siya sa panganay na anak.



Kinausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot upang kunin ang kanyang reaksiyon, pero ayaw pa nitong magbigay ng komento noong una. Dahil kahit saan mo raw tingnan, kapag may sinabi siya ay marami na namang sasabihin ang mga tao.

Pero sa tingin ba ni Lotlot ay galit ang kanyang ina sa kanya?



"Hindi ko rin alam," sagot niya. "Dahil the last time she called me was noong birthday ko pa last March this year. Nag-greet lang siya sa akin ng ‘happy birthday.' Konting usap lang. Kaya nga nagulat ako na sa tono raw ng salita ni Mommy, parang galit sa akin. Dahil wala naman akong maalalang ginawa kong kasalanan sa kanya."

DAUGHTER'S DILEMMA. Sa naturang interview ni Nora sa Nagmamahal, Kapamilya ay ipinakita ang mga pahayag noon ni Lotlot sa presscon ng Tiyanaks. Hinggil sa balitang pinakasalan diumano ni Nora si Norie Sayo sa Las Vegas, sinabihan sila ni Lotlot na umuwi ng Pilipinas para sila na ang magpaliwanag sa isyu.



"Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko noon," paliwanag ni Lotlot. "Kaya nga para malinawan ang lahat, nanawagan ako sa kanya [Norie], di ba? And ngayong nilinaw na nila ang lahat; ang importante, sa kanila manggaling ‘yon. Ako ang nahirapan noon dahil ako ang tinanong nang tinanong ng mga tao about it, e, wala naman akong kaalam-alam."



May samaan ba ng loob na namamagitan sa kanila ng kanyang ina?



"Wala akong alam na ikakasama ng loob ni Mommy sa akin ngayon. In the past, ang masasabi ko lang, siguro I failed her dahil hindi ko lang natupad ang mga pangarap niya sa akin. Dahil hindi ako nakatapos ng pag-aaral, maaga akong nag-asawa. Pero sa kabila noon, alam ko na as a daughter and as a sister to my siblings, ginawa ko naman ang dapat kong gampanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"At ako, wala akong dapat na maging hinanakit na kahit na anuman sa Mommy ko. More than anyone else, siya ang nakakakilala sa akin. Pinalaki niya ako, dinamitan, pinag-aral, she gave me the best things in life.

"Kaya sa puntong ito, sana huwag na lang palakihin ng mga tao kung anuman ang nasabi niya o ‘yon ang naging dating sa mga tao, e, parang hinanakit sa akin ni Mommy. Kasi, nanlambot ako nung makarating sa akin ‘yung ganoong komento niya. Hintayin na lang nating lahat ‘yung time na sabi nga niya, e, pagbabalik niya rito," pakiusap pa ni Lotlot.



Nakarating ng United States ang mga kapatid ni Lotlot na sina Ian at Kiko para bisitahin ang kanilang ina. May nabanggit ba ang mga kapatid niya na mensahe para kay Lotlot ang Mommy nila?



"Wala naman siyang ipinasabi sa akin. Kaya alam ko na wala naman kaming dapat na maging problema," pahayag ni Lotlot.



Kahit saan kasi tingnan, ang kumakalaban sa kanyang ina ay siguradong mapaparatangang ingrata o walang paggalang.



"Never kong gagawin ‘yon kay Mommy," mariin niyang sabi. "At gaya ng sabi ko, alam niya ‘yon dahil siya ang totoong nakakakilala sa akin. Kahit na ano pa ang mangyari, ipagpapasalamat ko pa rin sa kanya ang ginawa niya para sa akin—sa pag-aalaga niya at pagpapalaki. Walang kuwestiyon sa bagay na ‘yon."



LACK OF COMMUNICATION. Kung hindi nga sila nagtutugma sa sinasabi ni Nora na pagtawag niya kay Lotlot, na hindi naman daw natatanggap ng huli, hihintayin na lang ba ni Lotlot ang pagbabalik ng ina sa bansa? O sisikapin niyang tawagan ang ina para magkaliwanagan sila?

"Gagawin ko ‘yon dahil sino bang anak ang gustong sumasama ang loob ng nanay niya sa kanya? Mangyari man ‘yon, it will just be between us. Kahit anong salita pa ang manggaling sa Mommy ko, anak lang ako. At never akong magiging ingrata sa kanya dahil hindi niya rin kami pinalaki para maging ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam niya how I feel and how I think. Kaya kahit na nasaktan ako nung marinig ko na may nasabi si Mommy about me, na nasasabi rin niya ang pagpapaalala sa akin sa mga kaibigan kong nasa buhay ko ngayon, I am sure kapag nag-usap na kami, maiintindihan namin pareho ang lahat-lahat, sa mga bagay-bagay that concerns us," pahayag ni Lotlot.



May pagkakataon bang nagkakausap sila ng ama niyang si Christopher de Leon?



"Ako kasi ‘yung tipo ng taong hindi umaasa o dumedepende sa mga tao, lalo na kung meron akong dinadala. Pag may mga problema, I try to face it sa sarili ko. Hindi ako ‘yung tipong masalita about the issues o kung anumang concern.



"Nung may mga dumating na problema sa buhay ko, nanahimik lang ako. Kulang na nga lang sabihan akong adik, dahil lumabas na sa mga balita na lasengga na raw ako at nanlalalaki na. Hindi ko pinatulan, alang-alang sa mga anak ko.



"Hindi ako ‘yung tipong lalaban sa mas matanda sa akin. Tatahimik na lang ako. Ano pa, di ba? Idinadasal ko na lang.



"Pag nag-uusap kami ni Daddy, kuwentuhan lang talaga about life. Pero hindi ‘yung tipong magsusumbong ako or what. I never wanted to be a burden kahit kanino. And si Dad naman, he's there para bigyan ako lagi ng mga paalala niya, which I appreciate very much. Ngayon, I think, nasa Hong Kong sila ni Nanay Sandy [Andolong]. So, hindi pa kami uli nagkikita o nagkakausap."



Sa ngayon, ini-enjoy ni Balotsky (palayaw ni Lotlot) ang mga bonding moments she gets to spend with her four children: Janine (turning 18 in October), Jessica (17), Diego (10), and Maxine (turning 7 today, August 8). She continues to count her blessings, especially being the Superstar's daughter.



"Alam ko," aniya. "Kaya rin ako ang tinanong ng mga tao tungkol sa balita sa kanila dahil bilang pinakamatanda sa magkakapatid, inisip siguro ng mga tao na ako ‘yung may alam sa napabalita. Hindi ko lang kinaya kaya naging ganoon ang reaksiyon ko. Dahil wala nga akong alam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN