Tintin Bersola-Babao steps into GMA-7 studio for the first time

IMAGE 0


Tintin Bersola-Babao (middle) guested on The Sweet Life, the lifestyle show on QTV 11, sister network of GMA-7, hosted by Lucy Torres-Gomez (left) and Wilma Doesnt (right).



Sa unang pagkakataon ay nakapasok sa bakuran ng GMA-7 si Christine "Tintin" Bersola-Babao.



Nakilala si Tintin bilang isa sa mga news and current affairs talents ng ABS-CBN mula nang magsimula siya sa TV Patrol noong 1993. Naging household name si Tintin nang maging host siya ng morning show na Alas Singko Y Medya, kung saan naging co-host niya si Julius Babao na pinakasalan niya noong December 2003.

Nabiyayaan sila ng baby girl na pinangalanan nilang Antonia. Isa siya sa pinakabatang product endorser ngayon.



Pumunta sa GMA-7 noong August 7 si Tintin para mag-guest sa talk show nina Lucy Torres-Gomez at Wilma Doesnt na The Sweet Life ng QTV 11. Ang set ng The Sweet Life ay nasa loob ng GMA complex.



Ayon kay Tintin, it was her very first time na makapasok sa teritoryo ng Kapuso network at first GMA-7 guesting niya ang The Sweet Life.



"I really like Lucy and tuwing magkakasalubong kami niyan kung saan man, she would be so pleasant at magtsitsikahan kami. I promised her na kapag puwede na akong mag-guest sa GMA-7, sa show niya ako unang magge-guest. Nangyari na nga at isang special day nga ito for me," masayang kuwento ni Tintin sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



OPEN FOR GUESTINGS. Bukod sa tinanggal sila ni Julius sa kanilang morning program ay nag-expire na rin ang kontrata ni Tintin sa ABS-CBN kaya naman malaya na siyang tumanggap ng TV guestings. Kabilang na rito ang mag-guest sa mga shows ng GMA-7.

"Okay na akong mag-guest at wala nang makakahadlang pa," nakangiting pahayag ni Tintin. "Matagal nang may mga gustong kumuha sa akin para mag-guest sa mga shows sa GMA-7 at ngayon ay puwedeng-puwede na. Kumbaga, open na ako for any guestings.



"Nagpapasalamat ako sa mga tao behind The Sweet Life kasi napaka-warm ng pag-welcome nila sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan ito."'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Okay lang ba kay Julius na lumabas siya sa GMA-7 considering na may show pa ang mister niya sa ABS-CBN?



"I have his blessings," sagot ni Tintin. "Tsaka show naman ni Lucy kaya walang problema sa kanya. Wala naman na akong kontrata with ABS-CBN kaya okay lang."



ANTONIA. Kasama ni Tintin ang kanyang kanyang two-year-old baby girl na si Antonia na nag-guest sa The Sweet Life. Isang patunay na mali ang kumakalat na tsismis na namatay daw sa isang aksidente ang anak nila ni Julius.



"Pinag-guest na rin nila si Anya [nickname ni Antonia] para nga ma-prove na walang nangyaring masama sa anak namin ni Julius. Kaya nga biro ko, hindi impostora ang batang dala ko, si Antonia talaga ito!" sabay tawa ni Tintin.



"Sa totoo lang, it's a bad joke at kung sino man ang nagsimula niyan, I think he or she is sick in the head. How could you spread such a nasty and evil rumor about an innocent child? Hindi matino ang pag-iisip ng tao na ‘yan, di ba?



"I admit na naapektuhan kami ni Julius sa rumor na ‘yan, most especially si Julius, kasi nga siya ang nabanggit sa tsismis na naging cause ng aksidente daw ni Anya. But as you can see, ang kulit-kulit ng anak namin. Takbo nang takbo. Iyan ba ang sinasabi nilang na-comatose at namatay?



"I pray na sana makonsensiya ang taong ‘yan at sana ay wala siyang mga anak. Baka ‘yang ikinakalat niyang tsismis ay mangyari sa sarili niyang pamilya. Karma kung tawagin ‘yon.



"May kasabihan nga na kapag na-rumor kang namatay or pinatay ka, lalo pang hahaba ang buhay mo. Iyon na lang ang pinagdarasal namin for Anya, na she lives a more productive and fulfilling life.



"Nagpapasalamat kami sa Diyos that Anya is healthy and doing well. She's in toddler school now at mas marami siyang nalalaman sa kanyang mga classmates sa school. She loves interacting with other kids her age. May sarili silang lengguwahe na sila lang ang nakakaintindi kaya enjoy siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa pag-guest nga ni Tintin sa GMA-7, for sure na marami ang mag-i-speculate na magiging Kapuso na siya. Pero ayon kay Tintin, open naman ang options niya.

"Kung may offer, bakit ko naman hindi iko-consider, di ba? Television has been my life and every now and then, nami-miss mo ang trabaho sa TV. But right now, masaya na ako sa guestings. I want to get the feel na ay freedom ako na lumabas kahit saan," pagtatapos ni Tintin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN