Erik Santos still has feelings for ex-girlfriend Rufa Mae Quinto

IMAGE 0


"Hindi ko naman siyempre puwedeng i-deny na mayroon pa rin akong feelings para sa kanya. Hindi ko po ‘yon maitatanggi at mahal ko pa rin po ‘yung tao," says Erik Santos about ex-girlfriend Rufa Mae Quinto.



Mas pinagdududahan ngayon ang napabalitang breakup nina Erik Santos at Rufa Mae Quinto dahil sa sunud-sunod na pagkakataon na nakikitang magkasama silang dalawa sa iba't ibang showbiz affairs.



"Nag-break kami," giit ni Erik sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kaya nga ‘yung pa-kiss-kiss namin sa Manila Hotel, ako po ‘yung nahihiya... ay, naiilang pala. Kasi baka sabihin ng tao, 'Gumigimik ka na naman.' Kaya doon ako parang naiilang."



Hindi raw talaga maiiwasan ‘yung mga ganung halikan sa isang concert, ayon kay Erik.



"Dapat po ganun, kiss lang. Kaya lang siyempre, ang hinihingi ng audience lips-to-lips. E, alangan naman na ako pa ‘yung tumanggi kay Rufa? Pangit naman pong tingnan ‘yon, di ba? Okay lang ‘yung mga ganun. Kaya lang, pag naipapalabas sa TV, sasabihin gumigimik na naman ‘tong dalawa. Lagi namang ganyan, e," pahayag ng singer.



May kuryente pa ba ang halik ni Rufa Mae sa kanya?



"Hindi naman nawawala ‘yon," nakangiting sabi ni Erik. "May mga ganun at hindi ko naman siyempre puwedeng i-deny na mayroon pa rin akong feelings para sa kanya. Hindi ko po ‘yon maitatanggi at mahal ko pa rin po ‘yung tao.

"Kaya nga lang, may mga bagay na ‘yung dapat ninyong gawin dahil kailangan ninyong mag-mature, ganun. Iyon ba ‘yung hindi nalalaman ng iba na maski nagkikita kami, sasabihin nagkabalikan na naman kami. Hindi ganun, e.

"Kumbaga, pini-preserve po namin 'yung friendship namin. At the same time, we take our time. Parang ‘pag may nabalitaan ako na isyu-isyu sa kanya, nagtatanong pa rin ako sa kanya. Like, ‘Puwede bang magtanong?'

"Alam ko na, kumbaga, wala na akong karapatang magtanong, e. Pero kumbaga, pasintabi kesa naman paniwalaan ko ‘yung mga nasusulat, siya muna ang paniniwalaan ko. Dahil sabi ko sa kanya, ‘Whatever you tell me, whatever you say to me, ‘yun ang paniniwalaan ko dahil alam ko you won't lie.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandun pa rin ‘yung trust ko sa kanya kaya kahit anong sabihin niya doon ako maniniwala. Ayoko agad mag-react o magalit kasi apektado pa rin ako. Aminado rin ako sa mga nasusulat, ‘yung mga date-date na ganyan, apektado pa rin po ako. Dahil hindi naman pa ako ganun katagal nung naghiwalay kami," mahabang paliwanag ni Erik.



Almost two months na raw silang hiwalay ni Rufa Mae and during that time, hindi raw nakipag-date sa iba si Erik. Pero si Rufa Mae natsismis agad kay Billy Crawford.

"Ah, ang sabi niya po sa akin, marami sila noon. Buong SOP 'ata. So, pinalaki na lang 'ata. Kasi sa rami rin po ng trabaho ni Peachy, biro ninyo nagsu-shoot siya ng three pictures at the same time."



CRYING AT THE PARTY. Huling nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na magkasama sina Erik at Rufa Mae sa birthday party ng anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin. Doon napabalita rin ang naganap na iyakan nilang dalawa.



Sa presscon para sa major solo concert ng Prince of Pop titled Erik... Solo at the Coliseum on October 19, sa Araneta Coliseum, tinanong namin siya kung ano ang dahilan ng iyakan nila ni Rufa Mae sa party ni Lorin.

"Ayoko sa akin manggaling. Alam mo naman ako, gentleman ako pagdating sa mga ganyan," pag-iwas ni Erik.

"Hindi naman matindi ang dahilan. May konting tampuhan lang," dagdag niya.

Hiwalay na sila pero may tampuhan pa rin?

"Siyempre wala na, pero sabi ko nga, we're more than friends but less than lovers. Parang ganun. Parang we take our time, relax na relax kami. Pero wala [sa amin] nung bawalan ko siya kung saan siya pupunta, walang ganun," paliwanag ni Erik.

Ano ang naging ending ng iyakan nila ni Rufa sa party ni Lorin?

"Okay naman," sagot ng singer. "‘Yung pag-uwi namin, magkasama pa rin kami. Pero ako, nag-recording pa ako. Siya dumiretso sa isa pang party, ‘yung inaanak niya, ‘yung anak ni Jaya. Hindi na ako sumama doon kasi male-late na ako sa recording ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano lang po ‘yon, mild lang. Hindi naman ganun kalaki ‘yung problema. Kinabukasan, nagte-text na kami sa isa't isa. Nag-apologize naman siya. Sa akin kasi, kahit tanungin ninyo siya kung ano ang nararamdaman ko, sinasabi ko po sa kanya."



Bakit nag-apologize sa kanya si Rufa Mae? At sino ang naunang nag-sorry?



"Siya po ang unang nag-apologize sa akin. Kapag nagtatampuhan naman kami niyan, pareho naman kami nag-a-apologize," aniya.



Guest ba si Rufa Mae sa concert niya?



"Sabi ko, i-block-off niya po ang date ng concert ko, e," sagot ni Erik.



Ang manager ni Erik na si Bong Quintana at ang Backroom ang producer ng concert. Si Bobby Garcia ang direktor at si Louie Ocampo ang musical director. Special guests niya sina Ai-Ai delas Alas, Yeng Constantino, The Company, Danita Paner, G-Force, at si Sam Milby.



Kasabay ng paghahanda ni Erik for his major solo concert ang pagre-record niya para sa kanyang first Christmas album under Star Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN