Zsa Zsa Padilla comments on Angel Locsin's transfer to ABS-CBN

IMAGE 0


"A lot of people have been opinionated about a lot of things, especially on Angel and why she moved, and all that. I just hope that she will be given the chance to explain herself," says Zsa Zsa Padilla about Angel Locsin's decision to move to ABS-CBN.



Casting coup na matatawag ang pagsasama-sama sa iisang TV commercial nina Zsa Zsa Padilla, Lucy Torres-Gomez, at Regine Velasquez bilang mga endorsers ng Belo Essentials, mga produktong pampaputi na pang-masa at very affordable na pinamamahalaan ni Cristalle Belo Henares, anak ni Dr. Vicki Belo.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa during the launch of Belo Essentials sa Kimono Ken restaurant at tinanong namin sa kanya ang bonding niya with Regine and Lucy sa shoot ng commercial nila.

"Masaya, masaya!" bulalas ni Zsa Zsa. "But I always come in first, and then Regine comes in for hair and make-up, then Lucy's the last. Pero nagkikita-kita kami."

Hindi naming naiwasang ikumpara ang commercial shoot nila with that of the controversial shampoo TVC shoot nina Ruffa Gutierrez, Dawn Zulueta, Angel Aquino, and Gretchen Barretto na nagkaroon pa nga ng intrigahan. Wala bang nagdala ng microwave oven sa shoot? Wala bang nagtarayan?

"I don't wanna be comparing our shoot to other shoots, you know. But ours was just very light and breezy," sabi ng Divine Diva.

The last movie that Zsa Zsa did was ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh. Kailan ulit siya gagawa ng pelikula?

"Wala pa. Busy ako now with Lastikman," banggit ng singer-actress na ang tinutukoy ay ang bagong fantaserye ng ABS-CBN na pagbibidahan ni Vhong Navarro.

Anong klaseng movie project ang gusto niyang susunod na gawin?

"I think I wanna do a straight drama... a really serious drama," sagot niya.

REGINE & OGIE. Dahil kaibigan ni Zsa Zsa si Regine, hindi namin naiwasang itanong kung ano ang naging reaksiyon niya sa pag-amin nina Regine at Ogie Olcasid sa relasyon nila.

"No comment," natatawang sabi ni Zsa Zsa "I don't know, I don't know how it is. So if people announce they are in love and you see that they're happy together, I don't think there's a problem."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGEL. Kinuha rin namin ang reaksiyon ng Kapamilya artist na si Zsa Zsa tungkol sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN.

"I just feel, generally, that the industry is so small, and nobody should close their doors on anyone, or any company closing their doors on artists, vice versa.

"So, I just hope that...I'm hoping that people would be more professional about it. It's just because, it so personal now, I think na nagkakaroon ng samaan ng loob. It's sad when I hear that because the industry's so small. Parang you don't know when you can be back in GMA-7, or you'll be working for Channel 2, or you'll be working for any other station, right?

"So, I also...Wala na ‘yung siraan, that part I don't like. And a lot of people have been opinionated about a lot of things, especially on Angel and why she moved, and all that. I just hope that she will be given the chance to explain herself. I read... it was wisely put in an article that, you know, if you treat your... It's difficult kasi pag ni-nurture mo ‘yung isang tao, and she becomes who she is, of course with a lot of help from the station, right?

"But pag sinasabi mong para mo nang anak... It was well put in one article, I just can't remember who said this: ‘Give the person roots and wings.' Kumbaga, roots, sa 'yo nanggaling, but wings to grow. And that's the saddest part.

NICOLE. Maihahantulad daw ni Zsa Zsa ang situwasyon ni Angel sa kanyang sariling anak na si Nicole.

"Like you know, I'm experiencing it now with my child. My daughter Nicole is in Australia. She's my little child, she's 16 years old, but she's living abroad now.

"It's masakit, e. Para sa magulang, because you wanna be overprotective, right? But you know that someday she have to face the world, she has to be ready, and spread her wings. So, you give her roots, you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano ‘yung foundation niya, na feeling mo naman na maganda ‘yung roots niya, kumbaga, na hindi naman siya mapapariwara dahil tinuruan mo namang siyang maigi, di ba? And she has her values intact, and fear of God, and she goes naman to church there on Sundays, we make sure of these things.

"So, you have to let go, e. So sometimes, that is really very, very painful. Para sa akin lang, pag ganu'n ‘yung sitwasyon, masakit talaga. But you just really have to let the person grow, and if...

"Going back to Angel, and if letting her go is part of spreading her wings, and exploring new horizons, and wanting to work with new people, wanting to have time for herself as she says, and time for school, whatever, then give her the chance.

"Ang nangyari kasi, feeling ko, sa mga nabasa ko, narinig ko, parang sarado na ‘yung pinto sa kanya. Siguro nga dahil masakit para sa kanila," pag-aanalisa ni Zsa Zsa.

Umalis last month ang anak niyang si Nicole para mag-aral sa Australia at humigit-kumulang sa apat na taon itong mamamalagi sa naturang bansa. Makakauwi lamang si Nicole sa Pilipinas during school breaks.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN