Oyo Sotto tells rumormongers to stop hitting ex-girlfriend Angel Locsin

IMAGE 0


Oyo Sotto defends his former flame Angel Locsin against negative issues thrown at her. "Pero alam ko naman na she's a strong person. Kaya naman niyang makipag-deal sa ganung bagay."



Inulan ng mga tanong tungkol kay Angel Locsin ang ex-boyfriend nitong si Oyo Sotto sa presscon para sa second season ng Pedro Penduko at Ang Mga Engkantao ng ABS-CBN.

Hindi maitatago na naging malaking bahagi ng buhay ng controversial young actress si Oyo. Kaya naman kinunan siya ng pahayag ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga kontrobersiyang kinahaharap ngayon ni Angel, na pumirma na ng kontrata kaninang umaga, August 11, sa ABS-CBN at Star Cinema.

"Wala akong pwedeng sabihin kasi ayoko namang makihalo sa problema nila kung meron man. Kung anuman ‘yung gulo, sa kanila na lang ‘yon. Pero kung lumipat naman siya dito [ABS-CBN] na natapos na ‘yung gulo, I'll be very happy naman kasi magkaibigan pa rin naman kami ni Angel," bungad na pahayag ni Oyo.



Ayon pa kay Oyo, nagkaroon daw sila ng komunikasyon ni Angel habang nasa London pa ang young actress kasabay ng mga intriga sa kanya rito sa Pilipinas.



"Well, nung nasa London siya, nag-usap kami noon," pag-amin ng young actor. "Nagsasabi nga siya sa akin. Sabi niya, alam din niya ‘yung mga tsismis dito. Sabi ko sa kanya, ‘Okay lang ‘yon. Intindihin mo na lang ‘yung pag-aaral mo. Alam mo naman ang totoo at hindi. Ang importante, ayusin mo ‘yung pag-aaral mo. Intindihin mo muna ‘yung pag-aaral mo. Iyon muna ang problemahin mo kesa ‘yung mga tsismis.'"



May tsismis na kumalat na binalak daw niyang sundan sa London si Angel. Totoo ba ito?



"Hindi, ni walang attempt," mariin niyang tanggi. "Kasi syempre, puro taping din ako. Tapos ang daming ginagawa rito, ang daming inaasikaso. So, malabo rin."



So far, simula nang dumating si Angel ay hindi pa raw sila nagkikita or nagkakausap. Pero alam ni Oyo na dumating na ang kanyang ex-girlfriend.



"Basta alam ko lang na dumating siya. Sinabi niya lang sa akin nadarating siya," sabi ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NEGATIVE ISSUES. Isa si Oyo sa mga itinuturong dahilan ng paglipat ni Angel sa ABS-CBN. Posible raw na naimpluwensiyahan ng young actor si Angel kaya lumipat sa Kapamilya Network.



"Nge!" nagulat na sabi ni Oyo. "Basta kung ano na lang po ‘yung problema nila, sa kanila na ‘yon. Kung anu-anong tsismis ang lumalabas."



Nag-alala ba kahit paano si Oyo sa mga negative issues na inaakusa kay Angel?



"Well, in a way," sabi niya. "Pero alam ko naman na she's a strong person. Kaya naman niyang makipag-deal sa ganung bagay."



May sex video raw si Angel?



"Ngee! Lahat na lang, pero wala."



Nagpa-abort daw si Angel courtesy of Oyo's late cousin Miko Sotto?



"Hindi rin. Sure ako diyan," sagot ng young actor. "Very sure naman ako doon. Saka kung puwede lang, kung sino man ‘yung gumagawa ng tsismis na ‘yon, tigilan na kasi matagal nang wala ‘yung pinsan ko. Ah, [year] 2003 namatay ang pinsan ko, sana huwag nang idamay. Nakakaawa naman.



"Actually, matagal na ‘yung buntis isyu kay Angel. Lagi nga siyang nabubuntis. Sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, Angel, lagi ka na lang nabubuntis. Kung inipon mo ‘yan, ang dami mo nang anak!'" biro ni Oyo.



Totoo bang dating maid ang nanay ni Angel?



"Hindi, kasi ‘yung mother ni Angel na-meet ko matagal na po. 'Tsaka grabe ‘yon! Hindi naman totoo ‘yon," napapailing na pahayag ni Oyo.



"Iyong sa akin lang, kung ano po ‘yung mga tsismis na ‘yon—kung katulong nga o hindi—wala naman akong pakialam doon. Ang importante naman doon, ‘yung tao, e. Hindi naman kung sino ‘yung nanay mo. Kung katulong ba ‘yan or labandera lang o kung anuman, di ba? Iyon naman ang importante. Lahat naman tayo mga tao. Pare-pareho lang tayo, di ba? Huwag naman nilang anuhin. Minsan kasi masyado nang below the belt."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HAPPY FOR ANGEL'S SUCCESS.
Ipa-partner si Angel kay Piolo Pascual. Any reaction?



"Ay, ako, basta ‘yun nga, sabi ko kay Angel nung dumadating ‘yung mga isyu, magiging masaya naman ako para sa kanya sa success niya, e. Basta kung saan siya masaya.

"Tsaka lagi ko naman ‘yon ipinagdadasal, kung ano ‘yung nararapat sa kanya, sana ibigay ng Diyos sa kanya. 'Tsaka kung kanino man siya i-partner or kung anuman ‘yung maging gusto niya, lagi naman akong magiging masaya para kay Angel. Basta masaya rin siya," ani Oyo.



Ngayong nasa ABS-CBN na pareho ang kanyang mga ex-girlfriends na sina Angel at Anne Curtis, hindi naman kaya malito-lito ang puso niya sa dalawa?



"Hindi, basta ano na lang 'yan, God's time. God's will kung sino talaga," natatawa niyang sabi.



Binanggit ni Ruffa Gutierrez sa amin na nag-MU (mutual understanding) noon si Angel at ang ka-loveteam niya sa GMA-7 na si Richard Gutierrez. Alam ba ito ni Oyo?



"Kasi ‘yung sa past naman ni Angel, hindi ko talaga... ayoko naman makialam talaga sa past ng tao. So, hayaan ko na lang 'yon. Hindi ko siya tinatanong kung anong meron dati. ‘Yung kay Miko lang ang alam ko," sabi ni Oyo.



Wala ba siyang plano na makipagkita kay Angel?



"Well, sa ngayon, hindi pa kami nag-uusap. Kasi siguro inaatupag na muna niya ‘yung bagay na mas importante, na sa tingin ko naman dapat talagang bigyan niya ng pansin ‘yon para maayos na lahat," pagtatapos ni Oyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN