"Hollywood Dream" writer refutes Julia Clarete's statements

IMAGE 0


Julia Clarete claims that the reality contest Hollywood Dream is a bogus, since she has yet to receive her prizes. But the show's writer, Dinno Erece, refutes the actress' statements.



Tinawagan ng entertainment writer at scriptwriter na si Dinno Erece ang PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos lumabas ang panayam namin kay Julia Clarete, Eat Bulaga! co-host, tungkol sa reality show na Hollywood Dream. Ayon kay Julia, na siyang nanalo sa naturang reality show, hanggang ngayon ay hindi pa niya nakukuha ang mga premyo na dapat ay ibigay sa kanya, gaya nga ng pagpunta sa Hollywood.

Sabi ni Julia, "Actually, after ko manalo, meron na rin sana akong mga projects na sisimulan dito. Pero tinanggihan naming lahat ‘yon thinking na anytime nga, I will fly na to the U.S. to pursue that Hollywood dream. Bogus pala, e.

"Nakikibalita naman kami lagi. Waiting lang. E, nung bandang huli, feeling ko, Hollywood bakery lang ‘ata ‘yung pupuntahan ko. Dahil kung anu-anong excuses na ang ibinibigay nila sa amin. They were giving us reasons, like wala raw kasi akong enough credentials as an artist and I am just a neophyte in the business."

Si Dinno, also a PEP contributor, ang nag-iisang writer ng Hollywood Dream at ibinigay niya ang panig ng reality show.

"Ka-textmate ko si Julia and she is my friend. Pero I want to make lang a few clarifications sa mga nasabi niya sa interview niya regarding the show, her contract, and pananalo," simula ni Dinno.

"Nung papasok na sana si Julia sa soap ng CBS na As The World Turns, siya ang nag-request na three months lang siyang puwedeng mag-stay in the US dahil meron nga siyang Eat Bulaga!. Kaya ang plano sana niya, after three months niya dun sa Amerika, babalik na uli siya sa EB. Pero hindi ganun ‘yon, e.

"Una, it's a different world out there. Kung na-okay na siya sa pagpasok sa soap na ‘yon, walk-in part pa rin lang naman ang gagawin niya. Pag na-okay na siya sa show, she will not stop doing other shows pa. Doing more audition hanggang sa mabigyan na talaga siya ng part. Pero ano ang mangyayari kung three months ka lang doon?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Paliwanag pa niya, "Hindi puwedeng sabihing bogus ang show dahil ang runner-up o winner na si Raymond Bagatsing is already in the US doing off-Broadway shows. And everyone can attest to that na si Raymond has been there for a year now, doing a lot of work for his craft. Ayaw na nga niyang bumalik dito sa Pilipinas.

"Nasa As The World Turns siya, he's slated to do two commercials, isang national at isang regional. Kung hindi man bida ang ginagampanan niya sa mga shows that he's in, hindi naman siya nasa background lang. He's still auditioning for parts in other movies na hindi pa puwedeng isulat."

Ibinalita rin ni Dinno na babalik ang Hollywood Dream but with a different title.



"This year, babalik ang Hollywood Dream on TV," sabi niya. "But this time, iba na ang producer nito kaya maiiba na rin ang title. Sa QTV 11 na ito mapapanood as American Dream. Ang ibang parts ay sa Amerika na gagawin, which Raymond will host.



"Naibigay na rin kay Raymond ang SAG [Screen Actors Guild] card niya at lahat ng dapat niyang mapanalunan sa show, e, ibinigay sa kanya. Sabi ko nga, Hollywood is a different ball game. At hindi naman natin puwedeng i-force ang ayaw.



"Sa mga hindi nakapanood at nakasubaybay ng Hollywood Dream—bukod sa cruise na ginawa namin kung saan nakarating kami sa apat na bansa at ginalugad ang Singapore by land—after the contest, inilipad na sa Hollywood sina Julia at Raymond, all expenses paid. They were given pa uli some challenges, kung saan they had to show the struggling life of an actor at ang isa naman is to show o patikimin ka what it's like to have a successful career.



"The room in the hotel where Julia stayed while in the US was the same room that was used by Julia Roberts and Richard Gere sa mga scenes nila in Pretty Woman. That cost the producer several hundreds of thousands. Lumublob pa si Julia in the same bathtub that Julia Roberts used. Nakapunta siya sa Amerika," kuwento ni Dinno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang nasa kontrata ng pananalo niya [Julia] ang hindi niya kaya sa terms na gusto niya. Siya ang hindi puwede. Dapat din, siya 'yung ilalagay sa Bakekang dito, siya ang may ayaw, dahil buntis na pala siya that time. Kaya umalis na lang siya sa show.



"Lahat ng decisions niya, siya ang gumawa. Hindi ko lang nagustuhan na parang nasisiraan ang show sa mga sinabi niya. Sinasagot ko lang ito in behalf of Hollywood Dream.

"So, babalik ito sa ere with a different network na. Dahil binili na ng QTV 11 ang rights. So, how can it be bogus?" pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN