Aljur Abrenica denies animosity toward Mart Escudero

IMAGE 0


"Hindi po kami nagpaplastikan ni Mart. Kami pong dalawa, super close talaga kami. Nung time na contestant pa lang po kami sa StarStruck [Batch 4], medyo nag-aaway kami dahil kay Kris [Bernal]. Pero ngayon, sobrang okay na po talaga ang samahan namin," says Aljur Abrenica (left) about Mart Escudero (right).



Nakausap ng PEP (Philippine Entertaiment Portal) ang young actor na si Aljur Abrenica pagkatapos ng anniversary special ng Artist Center sa Showbiz Central kahapon, August 12. Mariin niyang itinanggi ang balita na nagpaplastikan lang sila ng co-star niya sa Boys Nxt Door na si Mart Escudero.

"Hindi po kami nagpaplastikan ni Mart," giit niya. "Kami pong dalawa, super close talaga kami. Nung time na contestant pa lang po kami sa StarStruck [Batch 4], medyo nag-aaway kami dahil kay Kris [Bernal]. Pero ngayon, sobrang okay na po talaga ang samahan namin. Mas lalo kaming naging close nang magkasama kami sa Boys Nxt Door."

Pero totoo ba na minsan ay sinadya niyang bungguin si Mart sa isang production number nila sa SOP?

"Nabanggit niya po 'yon sa akin. Pero sabi ko, kung nabunggo ko man siya, hindi ko naman po 'yon sinasadya. Minsan kasi, hindi maiiwasan na nagkakabungguan kayo 'pag nagsasayaw kayo, di ba?"

Si Aljur ang tinanghal na Ultimate Hunk sa StarStruck Batch 4. Dahil sa angking kaguwapuhan at kakisigan ay hindi imposibleng magkagusto sa kanya ang mga babae at pati na ang mga bakla.

Nakatanggap na ba ng indecent proposal mula sa isang mayamang gay si Aljur?

"May na-experience na akong ganyan," pag-amin ng young actor. "May nag-text sa akin. Sabi niya, gay siya. Bibigyan niya raw ako ng two-hundred thousand kung papayag daw ako na makipag-one-night stand sa kanya. Hindi na lang ako nag-text back sa kanya, deadma lang po ako para tapos na."

Hindi naman daw nagalit si Aljur sa gay na nag-text sa kanya. Flattered pa nga raw siya na may nagkakagusto sa kanya.

"Ganoon talaga, lahat naman tayo may sari-sariling type. Nagkataon lang siguro na ako 'yung type nung bading. Naiintindihan ko po siya. At least, humahanga siya sa 'yo," pakli niya.

Okay lang din daw kay Aljur na makipagkaibigan sa mga bading, pero hanggang pakikipagkaibigan lang ang maio-offer niya sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa kanya, "Open naman po ako na makipag-friends sa mga bading kasi nakakatuwa naman po sila at masasarap silang kasama. Pero 'yung relasyon, hanggang kaibigan lang. Pero 'yung more than friends, hindi na."

Tinanong din ng PEP si Aljur kung saang field niya gustong makilala.

"Gusto ko pong makilala ako bilang isang action star. Mahilig po kasi ako sa action, e," sagot niya.

Si Robin Padilla raw ang paboritong action star ng StarStruck winner.

"Magaling kasing action star si Robin. Sa lahat ng action stars, si Robin na lang ang natitira, di ba? So, ibig sabihin, magaling talaga siya at matatag," pagtatapos na ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN