Body Language Pia Moran talks about cheerless dances of her life

IMAGE 0


Pia Moran, the Body Language of the '80s, says she still has her dancing shoes, but appearing on mini-TV series is what's keeping her busy nowadays. Pia has so far starred in over tenmovies since her career was launched in the late '70s.


Bakas pa rinangkagandahan sa mukha ni Pia Moran—ang tinaguriang Body Language ng localshowbiz—sa kabila ng hindi maitagong peklat pagkatapos ng isangaksidente noon.

Kung ginusto raw niya,naidemanda niya sana ang doktor na ‘gumawa' ngkanyang mukha matapos mabangga ang kanyang sasakyan patungo sa Broadcast City noong 1987.

"Nakagat ko ‘yunglabi ko sa lakas ng pagkabangga ng kotse ko, eh. Naoperahan naman pero hindi nanaibalik nung doktor na tuluyang humiwa sa naging sugat ko ang lahat. Kaya, ‘eto,naging malaking peklat na lang siya."

Sabi naman ng PEP(Philippine Entertainment Portal) kay Pia, nakakadagdag pa nga ng karakter samukha niya ang kanyang peklat.

Nagkuwento si Pia: "Kungsinunod ko siguro ‘yung hunch ko that time, puwedeng hindi ako naaksidente.Kasi, the night before, nilalagnat na ako at masama ang pakiramdam. Perokailangan kong pumunta dun sa Celebrity Pow. Nung gabi pa lang,nagpaabiso na ako na hindi ako puwede pero kailangan daw ako talagang pumunta.Kaya, nung paggising ko pa lang the following day, iba na ang pakiramdam ko. ‘Yunna pala ang mangyayari..."

Nagbago ang takbo ngkanyang flourishing career noon dahil sa nasabing aksidente.

"Because of thataccident, ilang years din akong natengga. And in 1994, nagpunta ako sa Paris, France.Meron akong friend na taga-UNESCO at in-invite niya ako na pumunta doon."

Sa City of Lights,nakatagpo siya ng isang lalaking nagpatibok ng kanyang puso.

"Kaya lang, siguro,dahil may iba pa akong mga gustong gawin sa buhay ko, hindi ko inasikaso angpapers ko para makapag-stay doon with him. Although nung simula, maayos na sana kami. When I camehome, naputol ang communications namin dahil merong pumagitna, alam mo na, ‘yungpumigil sa pagpapatuloy ng relasyon."

"Depressed nadepressed ako noon kahit na matagal na akong naaksidente. Dumagdag pa na nawalaang boyfriend ko. So, tinanggap ko na lang na hindi rin kami meant to be.Hiwalay na lang. Actually, may nakakuha kasi sa akin ng number niya kaya nawalana," ang kuwento ni Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Fifteen years rin dawsiyang nawala sa limelight. Mula 1992.

"Bumabalik-baliknaman ako pero paisa-isang labas lang. Ang pinaka-last movie ko bago akomag-stop nang matagal na panahon was with Palito. I think, Rambuto ‘ata ‘yon. Ako ang leading lady niya. Tapos,nakabalik-balik naman ako sa Milan na, thensa You Got Me, ‘tapos guesting sa TV,sa Ikaw ang Lahat sa Akin, sa Game Ka Na Ba, marami pa. Peropawala-wala pa rin ako after...Naging suki lang ako ng Channel 2 throughFreddie Bautista."

During Pia's heyday asthe favorite leading lady of Redford White and Bukang Liwayway Films, pati narin ni George Javier-nagkaroon siya ng long-time relationship kay Greggy Liwag,ang kasabayan niyang aktor noon. Hindi sila nagkatuluyan. Hindi sila nagkaanak.Hindi na rin lumagay sa tahimik si Pia.

Paliwanag niya,"Nagkataon na lang siguro na hindi na ako nag-asawa. Hindi naman siya bychoice. Gano'n lang talaga. Ako na rin kasi ang nag-asikaso sa Mommy, eh. Maypamilya ng lahat ang mga kapatid ko."

Ilang taon ba kayongnagkasama ni Greggy at bakit hindi kayo nagkatuluyan? Snippets of the past cometo our mind dahil naging malaking news din naman ang pagpapakasal ni Greggy sanaging girlfriend nito after Pia, na si Cita Capuyon.

"Hindi lang sigurorin kami meant to be. Napapag-usapan naman namin noon ang kasal pero siguro,hindi ko pa lang feel that time. Then, bigla siyang nagkaroon ng Cita. Kayasabi ko sa kanya, sige doon na siya. So, naghiwalay na kami.

"Aaminin ko noon,muntik na kaming magka-baby ni Greggy. Nabuntis ako. Pero hindi ko itinuloy,kasi, may career ako, eh. At pareho naman naming naging desisyon ‘yon. Wala rinsiyang magawa."

Naging usap-usapan itonoon sa blind item columns at ngayon lang nagsalita si Pia about it. Bakit?

"Inihingi ko na ngtawad ‘yon sa Panginoon. At ngayon, nilalakasan kong mabuti ang kapit ko saKanya. Si Lord na lang ang bahala kung ano ang ibibigay Niya sa akin sa patuloyko pang magiging kapalaran sa buhay ko ngayon. Happy na rin ako sa buhay kongayon, tahimik. Kung bibigyan pa ako ni Lord ng isa pang pagkakataon at thisstage, ‘yung mga nawala sa akin, tatanggapin ko. Pero kung wala na talaga,kuntento na ako kung ano ako at meron ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

All those years na hindina siya nagpatuloy sa kanyang pag-a-artista, ano ang pinagkaabalahan ni Pia?

"Nag-alaga ng baboy.Oo, totoo ‘yun. Meron kaming piggery at saka meron din kaming tindahan.Sinamahan ko si Mommy sa kanyang pagtanda do'n sa Novaliches. Ako ang youngestsa aming magkakapatid. Tapos, na-meet ko nga si Freddie tapos sabi niya sa akinpuwede pa rin daw akong lumabas sa TV at saka sa pelikula kaya nakabalik uliako ngayon," sabi niya.

At sa itatampok na Love Spell for this month-sa "Bumalaka,Bumalakaw, Boom"-featuring "Pinoy Big Brother" winnersGee-Ann Abrahan, Bodie Cruz and Mickey Perz, si Pia ang gaganap sa papel nananay ni Bodie at mister niya ang real-life dad ni Bodie na si Tirso Cruz III,as Guy and Pete.

If Pia would be asked toput on her dancing shoes once again, mapapangatawanan pa rin kaya niya angnaging tatak niya in the ‘80s as the Body Language?

"Nag-Shall We Dance na ako. Ang mga kalabanko, sina Spencer Reyes and Dinno Guevarra. Dapat ‘ata sa U Can Dance rin. I heard nag-back outsi Sugar Mercado. Kami ‘ata dapat ang magkasama. Pero sayaw, kaya pa rinnaman," pagtatapos ni Pia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN