Vhong Navarro wants DNA test for his alleged daughter

IMAGE 0


"Kaya ko ginagawa at pinapadaan sa ganung proseso kasi ganun din ang ginawa ko sa panganay ko. So, parang unfair din sa akin na after 12 years, biglang may lalabas at sasabihin sa akin na ganun. Hindi ko siya idine-deny. Kasi kawawa ang bata, e, lalo na kung ako ang kinikilala," explains Vhong Navarro.



Bago pa man isinalang si Vhong Navarro para sa open forum sa presscon ng pinakabago niyang show at kauna-unahang teleserye sa telebisyon na Lastikman kahapon, August 17, ay nauna na siyang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Vhong, talaga raw nagpapapayat siya in preparation for his role sa Lastikman, na ikalawang superhero na gagampanan niya bilang artista. Ang una ay bilang Gagamboy (2004).



"Ang sama kasi kapag malaki ang tiyan ko. Halatang-halata, e," sabi ni Vhong.

"Kaya nga sabi nila, kapag naka-maskara at naka-costume na ako, guwapo ko raw. Hindi nila ako pinapansin kapag tao ako sa taping. Pero kapag naka-costume na ako may nagpapa-picture," biro pa niya.



Bigla namang tinawag ni Vhong ang kanyang manager na si Direk Chito Roño nang tanungin siya kung may bumakat ba kapag suot niya ang kanyang costume bilang Lastikman, na pinasikat ni Vic Sotto.

"Hindi imported ‘yung costume kasi mahal ‘yon. Pag ganun, isa lang ang puwede. Dito ang ginawa namin, meron kaming costume na pang-pose, pang-porma, meron kaming pang-fight scene, may pang-harness. Tapos meron pa kaming para sa double," paliwanag ni Direk Chito.



LASTIKMAN MEETS SUPER INGGO. Bukod sa Lastikman ay nakatakda na ring umpisahan ni Vhong ang movie na pagsasamahan nila ng isa pang "superhero" na si Makisig Morales under Star Cinema. Si Makisig ang gumanap bilang Super Inggo.



"Naging maganda ‘yung time namin ni Makisig dahil nagsakto ang schedule namin. Like, ang taping nila ng Super Inggo [Book 2]. Tuesday, Thursday, and Saturday. Ganun din ako sa Lastikman. So, ang time namin ni Makisig na mag-shoot is MWF. Siguro by next week, start na kami," kuwento niya.



Mala-Big Daddy, Nutty Professor, at Meet the Parents daw ang concept ng movie nila ni Makisig na wala pa raw working title. Bagay ang role kay Vhong dahil daddy naman talaga siya in real life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"In-adopt ko lang si Makisig. Bale meron siyang single mom tapos naghahanap siya ng tatay," kuwento ni Vhong.



Naghahanap na rin daw ng babaeng artista para gumanap na single mom ni Makisig.

"Maghahanap ng artistang bagay doon. Si Valerie [Concepcion] ang inaano namin. Kasi kahit paano, mom na rin si Valerie," sabi ng dancer-comedian.



May nag-suggest kay Vhong na bakit hindi na lang ang current girlfriend niya ngayon na si Desiree del Valle ang kinuha nila para sa role na single mom sa movie nila ni Makisig.



"E, si Valerie po ang naisip nila," sabay tawa ni Vhong.



Natawa na lang si Vhong nang sunud-sunod ang tanong sa kanya about Desiree. Hindi raw siya makapagbigay ng comment dahil siya ang nag-file ng annulment case nila ni Bianca Lapus. Tatlong taon na ngayong tumatakbo ang kaso sa korte.



VHONG'S CHILDREN. Recently, may lumabas naman na item kay Vhong regarding sa isang babae na nagki-claim na naanakan siya ni Vhong. Okay lang naman daw kay Vhong ‘yon, pero kailangan dumaan sila sa proseso para mapatunayan na tunay niyang anak ang ibinibintang sa kanya.



"Hindi, kasi number one, DNA test lalo na kapag sobrang tagal na. Like, ilang taon na ‘yung bata.Buo na ang pag-iisip noon, alam na niya ang nangyayari sa lahat ng buhay. Twelve years old na ‘yung bata. Mas matanda pa sa panganay [Ferdinand Vhong]. Pero kilala ko 'yung nanay niya," lahad ni Vhong.



Nagkaroon ba sila ng sexual relationship ng nanay ng bata?



"Basta kilala ko siya," matipid na sagot ni Vhong.



Hindi naman inaalis ni Vhong ang possibility na may nabuo sa "pagkakakilala" nila ng ina ng batang sinasabing anak daw niya.



"Para rin hindi unfair sa ibang anak ko, lalo na sa panganay ko, si Ferdinand Vhong," paliwanag niya. "Kaya ko ginagawa at pinapadaan sa ganung proseso kasi ganun din ang ginawa ko sa panganay ko. So, parang unfair din sa akin na after twelve years, biglang may lalabas at sasabihin sa akin na ganun. Hindi ko siya idine-deny. Kasi kawawa ang bata, e, lalo na kung ako ang kinikilala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nakita na ba niya ang bata?



"Hindi pa," sagot niya. "Kasi ganu'n din 'yung panganay ko, e. Nakita ko 'yon before. Pero hindi ako naniniwala sa lukso ng dugo. Iba pa rin 'yung ano, nagpa-DNA test.

"Tsaka kasi nakakaawa na tatanggapin ko siya, oo. Pero sa akin, deep inside, alangan ako. Ayokong lokohin ang sarili ko. Ayoko na may duda ako.Gusto ko, like ngayon, ang ganda ng pagsasama ng dalawang anak ko kapag magkasama sila," sabi ni Vhong na ang tinutukoy ay ang isa pa niyang anak sa dating niyang asawa na si Bianca Lapus.



Alam na nila ang tungkol sa isang nagki-claim na kapatid nila?

"Alam nila. Nagtatanong din sila. Nakakatawa kasi sinasabi nila, ‘Dada, kailan namin imi-meet ang kapatid naming babae?' So, ako nagugulat ako, di ba? Kasi ganun na sila magsalita."



Paano nila nalaman?



"Sinasabi na kasi agad sa kanila ng mga lola, e," sabi ni Vhong.



Ano naman ang sagot niya sa mga anak niya?



"Sabi ko, hindi pa natin alam, e. Kasi wala pang reaksiyon doon sa ipinapagawa ko sa kanila, like ‘yung DNA test tulad ng ginawa natin kay Kuya.



"Kasi ano, e, open ako sa kanila. Never ako nagsinungaling. Siyempre, nagtatawanan. Kasi paano raw ‘yon, Inglesera, hindi nila makakausap. Mag-aaral daw sila magsalita in English," natatawang kuwento ni Vhong.



Willing daw si Vhong na sagutin ang gastos sa pagpapa-DNA ng bata kapag napatunayan na siya talaga ang ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN