Kaye Abad accepts that her boyfriend is not the marrying type

IMAGE 0


Super Inggo actress Kaye Abad (left) and her boyfriend Chito Miranda (right), lead vocalist of Parokya ni Edgar, are happy together without talks of marriage.



Sa nakaraang interview sa lead vocalist ng sikat na bandang Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda, may nagtanong sa kanya tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng girlfriend na si Kaye Abad at kung kailan niya balak pakasalan ang girlfriend. Pero nagulat ang lahat nang buong-ningning na sumagot si Chito: "Never!"

Tila ang katuwiran ni Chito sa bagay na ito ay ayaw niyang madamay pa kung sino man ang magiging asawa o ang magiging anak nila kung saka-sakaling hindi siya maging successful as a family man.



Dahil dito, kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Kaye tungkol sa tinuran ng kanyang boyfriend. Nakausap ng PEP si Kaye sa telepono na noong araw na ‘yon ay kasama si Chito at kasalukuyan daw nilang nililinis ang alagang aso.



Natatawa lang si Kaye at tila expected na nito kung ano ang itatanong sa kanya ng PEP. Aniya, "'Yung tungkol ba sa kasal? E, kasi kilala ko kasi si Chito kaya hindi na ako nagugulat or nasa-shock."



Ibig bang sabihin ni Kaye ay okay lang sa kanya kahit tila walang plano ang boyfriend na iharap siya sa dambana?



"Paano ko ba ie-explain? Hindi ko kasi ma-explain. Ang hirap!" tila nalilitong sabi ni Kaye.

"Basta ang masasabi ko lang, kilala ko kasi siya. Alam ko kung ano talaga ‘yung personality niya. At saka kahit ako naman, at this point, ayoko pa. Wala pa sa isip ko ‘yung tungkol sa pagpapakasal kasi ang bata ko pa lang din naman. So, wala talaga, hindi namin napag-uusapan," paliwanag ni Kaye habang naririnig namin sa telepono na sumisingit-singit si Chito sa mga sinasabing pahayag ng kasintahan.



Twenty-five years old pa lang daw si Kaye at kahit five years na ang relationship nila ni Chito this coming September, pareho raw silang wala pa sa isip ang pagpapakasal. Tanggap rin daw ng dalaga kung tila hindi naniniwala o walang planong magpakasal ang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Si Kaye ba ay may balak magpakasal?



"Oo naman!" bulalas niya. "Siyempre, gusto ko rin, pero hindi pa lang ngayon, matagal pa. Kung sakali na gusto ko nang magpakasal, tapos siya [Chito] ayaw niya talaga, okay lang, walang pilitan. E, di siguro, that's the end. Hanap na lang ako ng someone na puwede akong pakasalan. E, ganun talaga, alangan namang mamilit ako, di ba?



"Basta sa ngayon, we're both happy. Wala naman kaming problema at pareho naman kaming wala pa sa isip ang kasal," dagdag niya.



Samantala, itinanggi naman ni Kaye na baka kaya wala sa isip ng boyfriend ang pagpapakasal dahil nagli-live-in na sila.



"Inang ko po! Siyempre, hindi," mabilis niyang sabi. "Siguro hindi ko na kailangang mag-explain pagdating sa isyung ‘yan kasi kilala n'yo naman ako. Unang-una, hindi papayag ang family ko at saka walang dahilan para gawin namin ‘yon.



"Siyempre, hindi ko naman ide-deny na minsan nagpupunta ako sa bahay niya. Kasi ‘yung aso ko nasa kanya, siya ‘yung nag-aalaga. Minsan naman, siya naman ‘yung dumadalaw sa bahay namin sa Cavite. Pero ‘yung nagli-live-in na kami, hindi po totoo ‘yon," diin niya.



Bagama't hindi gaanong aktibo ang showbiz career ni Kaye ngayon, okay lang naman daw siya. Thankful pa rin daw siya sa kung anong project na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN. Pero masaya niyang ibinalita na kasama pa rin siya sa Book 2 ng Super Inggo at nakapagsimula na raw sila ng taping nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN