Dranreb Belleza apologizes to "Showbiz Central"

IMAGE 0


Former child actor Dranreb Belleza called up a staff member of Showbiz Central to apologize for the reaction of his mother, Divina Valencia, about his bone disease.



Ang Showbiz Central ng GMA-7 ang unang showbiz-oriented talk show na nag-report na may sakit sa buto ang dating aktor na si Dranreb Belleza.

Napanood noong nakaraang Linggo, August 19, sa Showbiz Central ang phone-patch interview kay Dranreb. Sa pakiusap na rin ni Dranreb, hindi tinukoy ng report ang uri ng kanyang sakit. At ni minsan, walang binanggit sa report na bone cancer ang karamdaman ng dating child actor.



Matagal nang naninirahan si Dranreb sa San Diego, California.

Updated siya sa mga nangyayari sa Pilipinas, lalo na sa showbiz, dahil regular ang pagbabasa niya ng local entertainment news sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Nabasa ni Dranreb ang pahayag sa GMA News at PEP ng kanyang nanay na si Divina Valencia kaya nagpadala kaagad siya ng mensahe sa contact person niya sa Showbiz Central.



Nag-apologize si Dranreb sa staff member ng Showbiz Central dahil sa naging reaksiyon ng kanyang ina tungkol sa isyu. Pinagbabawalan ni Divina na magpa-interview si Dranreb tungkol sa kalagayan nito, pero wala siyang nagawa.



"It's my call," ang pahayag ni Dranreb tungkol sa phone-patch interview niya sa Showbiz Central.



Nilinaw ng aktor na ayaw niya na kaawaan siya ng mga tao, pero nagsalita siya tungkol sa kanyang sakit para hindi tularan ang pang-aabuso na ginawa niya sa sariling katawan.



Inamin ni Dranreb na pinag-aawayan nila ni Divina ang kanyang pagsasalita sa media pero kagustuhan niya ang lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN