Iza Calzado, final choice as Ken Zhu's leading lady in "Batanes"

IMAGE 0


Batanes producers considered Iza Calzado as the leading lady of Ken Zhu after Judy Ann Santos declined due to her toxic schedule. But Iza herself had commitments. In the meantime, Jennylyn Mercado was asked to read the script but this did not mean she was "It". In the end, Iza was able to give her commitment to the film.


Si Iza Calzado na ang tiyak na gaganap na leading lady ng F4 member na si Ken Zhu sa sa pelikulang gagawin nito sa Pilipinas, ang Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan ng Ignite Media Films.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang direktor ng pelikula na si Adolf Alix. Nilinaw niya ang naunang naisulat na si Jennylyn Mercado raw ang gaganap na leading lady ni Ken sa pelikula na isu-shoot sa Batanes mismo.

Nilinaw rin ni Adolf na walang nang-agaw ng role kay Jennylyn.

"Kay Judy Ann Santos po unang in-offer ng Ignite Media Films ang movie noong ginagawa pa nila ang Ouija," kuwento ni Adolf.

"Gusto po ni Juday ang movie," patuloy niya, "kaya lang, wala na siyang paglalagyan sa punumpuno niyang schedule. Ang suggestion niya, si Iza Calzado raw ang kunin namin. Nang i-offer namin kay Iza, problema rin ang schedule niya dahil papunta siya ng Toronto, Canada para sa shooting niya ng The Echo. Wala pa kaming katiyakan kung makukuha namin si Iza.

"As producer, dapat mayroon kaming kunin para kung sakaling hindi puwede si Iza, mayroon kaming magiging artista. May nag-suggest po na si Jennylyn Mercado nga raw. Pero binigyan lang namin siya ng script for reading, pero hindi po namin sinabing siya na ang kukunin namin.

"Kaya lang, naayos ang schedule ni Iza, pati ang schedule ng shooting niya ng Desperadas sa Regal Entertainment. Wala na rin siyang TV show dahil katatapos lang niya ng Impostora. Babalik po sa bansa si Iza sa September 23, kaya tamang-tama sa schedule na ibinigay din sa amin ni Ken. Kaya pag-akyat namin sa Batanes, tuluy-tuloy na ang shooting namin," ani Adolf.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN