FIRST READ ON PEP: Father of Cueshe vocalist Jay Justiniani victim of hit-and-run

by Rommel R. Llanes
Aug 25, 2007
Jay Justiniani's father, Mr. Jovenal Justiniani, was a hit-and-run victim at dawn today. The Cueshe vocalist is on his way to Cebu now to check on his father.


Nakatanggap ng text message ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kani-kanina lang ang manager ng bandang Cueshe na si Myke Sarthou.

Ayon sa kanyang text message ay tinawagan daw siya ng umiiyak na si Jay Justiniani, isa sa bokalista ng banda. Ibinalita ni Jay na naaksidente ang ama niya na si Mr. Jovenal Justiniani kaninang madaling-araw, August 25, sa Mactan, Lapu-Lapu City.

Hit-and-run daw ang nangyari sa ama ni Jay, na naka-motor nang mabunggo ito. Binunggo ang likuran ng motor ni Mr. Justiniani ng isang sasakyan na ikinasanhi ng pagtilapon nito at pagkawasak ng likod ng motor. Hinala ng mga nakasaksi ng pangyayari ay baka lasing ang driver ng nakabanggang sasakyan.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo sa ama ni Jay ay nagkaroon ito ng internal hemorrhage o pagdurugo sa ulo. Dinala si Mr. Justiniani sa Mactan Community Hospital.

Ngayong alas-sais ng gabi ay lilipad patungong Cebu si Jay para alamin ang kalagayan ng ama. Nakatakda rin niyang patingnan sa isang neurologist ang ama para para matiyak kung ano ang epekto ng aksidente nito.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay Justiniani's father, Mr. Jovenal Justiniani, was a hit-and-run victim at dawn today. The Cueshe vocalist is on his way to Cebu now to check on his father.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results