Michelle Van Eimeren breaks her silence about Regine-Ogie relationship

IMAGE 0


"Alam mo, Regine, habang may buhay ako, may breath ako, welcome ka dito sa buhay ko, sa family ko. Kasi ikaw ang family ko. Mahal ka namin," says Michelle Van Eimeren (inset, with Ogie Alcasid) about Regine Velasquez.



Isang linggo pagkatapos ng kontrobersiyal na pag-walkout ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa musical variety show ng GMA-7 na SOP, ipinagdiwang naman kaninang tanghali ang kaarawan ng kasintahan niyang si Ogie Alcasid, who will turn 40 tomorrow, August 27.

Pero ang pinaka-highlight ng selebrasyon ay pag-uusap via phone patch ng dalawang babae sa buhay ng singer-songwriter na sina Regine at Michelle Van Eimeren. Si Regine ay katabi ni Ogie sa studio ng SOP samantalang si Michelle naman ay nasa Australia.

Pero bago nagkausap sina Regine at Michelle ay nagbigay muna ng pahayag ang Asia's Songbird tungkol sa relasyon nila ni Ogie at ang relasyon niya sa dating Miss Australia.

"Hindi po lingid sa kaalaman ng lahat na bago kami umamin ni Ogie, we kept our relationship from the public. Until such time na handa na po kaming i-share sa inyong lahat what was really going on between us," panimula ni Regine habang tumutulo ang kanyang luha.

Patuloy niya, "Masaya po kami na tinanggap n'yo po kung anuman ‘yon. Marami pong salamat for understanding and for still supporting us."

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag na ni Regine ang relasyon nila ni Michelle sa isa't isa.

"Alam din po namin na there's one person who has kept her silence as well the whole time, at gusto ko pong sabihin sa inyong lahat that Michelle and I are okay. We have talked about this matter in private like responsible adults should. At bahagi po ng ikinaliligaya ko ngayon ay ang pagkakaintindihan naming dalawa pagdating sa pribado naming buhay," sabi ni Regine tungkol kay Michelle.

Dagdag pa niya, "We know that you love us at maraming-maraming salamat po ulit. Hindi n'yo po ipinagdamot sa amin ‘yon nina Ogie at Michelle. Kaya we are coming out in the open with this. For the first time in public, sa harap po ninyong lahat, makakausap ko po si Michelle Van Eimeren-Alcasid."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MICHELLE IN AUSTRALIA. Dito na nga nagkausap sina Regine at Michelle, na kasalukuyang nasa garden ng kanilang bahay sa Australia.

Pagkatapos ng maikling kumustahan ng kanyang "Mareng Regine" ay ipinagtanggol ni Michelle ang kasintahan ng kanyang dating asawa laban sa mga detractors nito.

"Gusto [kong] malaman ng mga tao, si Regine, family ko ‘yon, family ko ‘yon," diin ni Michelle na ikinaiyak naman ni Regine.

"Siyempre, may nangyari between Ogie and myself, hindi puwedeng ayusin ‘yon, e. Pero naiintindihan ko naman na lahat ng mga tao, kailangan tanggap ang buhay nila, okay?

"For me, kung si Regine ang mahal niya [Ogie], ako rin tanggapin niya. Parang sister ko ‘yon [Regine], so please tanggapin mo siya. Huwag mo siyang bigyan ng hard time. Mabait ‘yon [Regine], mabait siya sa akin, sa mga anak ko. Pag dating siya dito [Australia], lagi kaming masaya," sabi pa ni Michelle na matatas pa ring magsalita ng Tagalog.

Nang nagpasalamat si Regine kay Michelle dahil sa naging pahayag niya, sinabi ni Michelle na hindi dapat mag-thank you si Regine. "Kasi alam ko naman ‘yon, e. Kasi 'yung mga tao diyan [sa Pilipinas], hindi lang kasi nila alam. Kasi buhay natin ‘to, di ba? Hindi dapat sa TV lahat ng gagawin natin," sabi ni Michelle na ikinaluha na rin ni Ogie na nakikinig sa usapan ng dalawang babae sa buhay niya.

Sagot naman ni Regine kay Michelle: "Yeah, nag-usap na naman tayo and you know how much I appreciate your friendship, 'yung understanding mo, 'yung pagtanggap mo sa akin bilang family. You welcomed me in your home. Thank you so much."

Naluha na namang muli si Regine nang sinabi ni Michelle na, "Alam mo, Regine, habang may buhay ako, may breath ako, welcome ka dito sa buhay ko, sa family ko. Kasi ikaw ang family ko. Mahal ka namin... Si Sarah at si Leila, they love you very much din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang marinig ni Michelle na umiiyak si Regine, sinabi ng dating Miss Australia na magagalit siya sa mga tao sa Pilipinas na nagpapaiyak sa Asia's Songbird.

Pagkatapos nito ay sumingit na si Ogie sa usapan nina Regine at Michelle. Nagpasalamat din si Ogie sa kanyang dating asawa.

Bago ang solo number ni Ogie sa SOP ay ipinakilala siya nina Michelle at Regine. Kung si Michelle ay halos ilaglag si Ogie sa pambubuko nito sa dating asawa, si Regine naman ay buong-pagmamahal na ipinakilala ang kasintahan as "the singer, the songwriter, and most of all, the man I love, Mr. Ogie Alcasid."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN