Bong Alvarez airs his side on mauling controversy

IMAGE 0


"Masyadong one-sided 'yung nangyari sa akin," says Bong Alvarez, referring to media reports in which he was allegedly the aggressor in two mauling incidents last August 21.


Former Philippine Basketball Association (PBA) superstar Paul "Bong" Alvarez finally gave his side on the alleged mauling incidents that occurred last August 21.

Bong, who was known during his playing days as "Mr. Excitement" because of his daring and high-flying antics on the hard court was charged last week with two counts of physical injury for allegedly mauling a taxi driver, and then attacking ABS-CBN reporter Gretchen Malalad at the police station when she attempted to interview the cab driver. Bong was also charged by the Mandaluyong police for resisting arrest.

Speaking to Showbiz Central's Pia Guanio, Bong aired his grievances over what he sees as unfair treatment by the media and the public.

Here is the complete transcript of Bong Alvarez's taped interview with Pia Guanio aired yesterday, August 26, in Showbiz Central:

BONG: Masyadong one-sided 'yung nangyari sa akin. Naglaro kami ng basketball. Sa Rembrandt kami nagkita-kita so dun din kami naghiwa-hiwalay. Nung naghiwa-hiwalay kami dun, ang misis ko [Almira Muhlach] itinakbo sa ospital, emergency dahil namimilipit sa sakit, masakit 'yung likod niya 'tsaka tiyan niya, sa Medical City. So, kailangan ko siyang puntahan dun, so nag-taxi ako... Pinapababa niya [taxi driver] akong pilit dun sa madilim. Sabi niya, ‘Sige bigyan mo na lang ako ng 400 [pesos] bumaba ka na dito, kumuha ka na ng ibang taxi.' So dun nagkaroon na ng...alam mo na, medyo nagkasagutan kami. Nagkaroon ng konting komosyon hanggang sa umabot sa ganon.

Nasa presinto na kami, tumawag pa misis ko, nagmakaawa sa pulis na wala akong pambayad. 'Pakawalan n'yo yung asawa ko, andito ko sa Medical City.' Dalawang beses tumawag 'yung misis ko sa pulis, hindi nila ako inintindi. Basta ang gusto ng pulis, bigyan ko ng P10,000 yung taxi driver saka nila ako iri-release. Ang sabi ko naman, kung ibibigay ko naman 'yung P10,000 na kinita ko sa basketball, papaano ko babayaran 'yung bill ng misis ko sa ospital?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PIA: Pero, Bong, we saw the video nung taxi driver, meron siyang malaking bukol sa gitna ng mukha niya na, according to him ay, hinataw mo daw ng bote.

BONG: Hindi totoo 'yon. Unang-una, Pia, wala akong dalang bote at kung may dala akong bote, siguro naman baka hindi lang ganun 'yung nangyayari, di ba?

PIA: Eto pa 'yung isang problema, Bong. Aside from what happened to the taxi driver, meron pang isang news reporter na nag-aakusa rin sa iyo ng pananakit. Ano ang balak mong gawin dito? Ano ba talaga ang nangyari?

BONG: Nagmakaawa ako kay Gretchen. Sabi ko, Gretch, 'Maawa ka, tatlong babae ang anak ko, katulad mo rin, tatlong babae anak ko, sabi ko. Huwag mo naman akong i-media.' ‘Yang salita na 'yan sinabi ko sa kanya more than twenty times. 'Yung cameraman, iwas ako nang iwas hanggang nakita n'yo naman nagsalita na ako, ‘Pare babasagin ko ‘yang camera mo.' Talagang pikon na pikon na ko nun.

More than 30 minutes na ako sinusundan kahit saan ako pumunta. Nilayo kong ganun 'yung camera. Pagganun ko, nasagi ko siya [Gretchen]. Aaminin ko, natamaan ko siya ng siko pag ganun ko ng camera. Iyon lang naman ang ano ko. Ang sa akin naman, ang point ko, pagtalikod ko bigla, alam mo hindi lang 10-20 suntok ang inabot ko sa ulo kay Gretchen.

Hindi mo puwedeng sabihin na self-defense 'yung ginawa niya sa akin. Unang-una, nakatalikod ako sinusuntok ako sa likod, e. Hindi self-defense 'yon. 'Yung hawak ko sa kanyang, 'yon edited na 'yon, e. ‘Yung hawak ko na 'yon, siguro 20 suntok na ang inabot ko sa ulo, 10 sipa na sa paa, bago ko siya hinawakan. Nakita n'yo nakatalikod ako nung hinawakan ko 'yung kamay niya. Siguro dahil gumanun 'yung buhok niya, kung sinasabi nilang sinabunutan ko, hindi ko gagawin 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PIA: That's another thing I wanted to ask you, Bong, because this is not the first time you found yourself in trouble like this.

BONG: Unang-una, Pia, ako, never akong nagsimula ng gulo. Pero yung sinasabi nila na 'yon na 'yung buhay ko, nanggugulo, inaamin ko, sa Quiapo ako lumaki, mahirap akong tao, lumaki akong mahirap, pero hindi ganun yung pagkatao ko.

PIA: Do you have a drinking problem? Lasenggero ka raw?

BONG: Hindi. Actually, noong gabi lang na 'yon ako uminom ng red wine dahil meron lang okasyon. Siguro naman kung lasenggo ako, kung araw-araw akong umiinom ay hindi ganito ang katawan ko. Either ang payat ko na or siguro ang laki ng tiyan ko. Pero bakit hindi ganun? Malalaman mo naman ang taong lasenggo, e. Malalaman mo ang taong adik, di ba, kung ano ang hitsura? So, hindi talaga.

Actually, dito pa lang talo na ako, e, kasi buong Pilipinas. Actually, hindi lang Pilipinas, buong mundo, e, talagang ang sama ng tingin sa akin ng tao. First time sa buhay ko, ngayon lang ako nakulong. Sobrang hiya. Hindi nga ako makalabas ng bahay ngayon dahil talagang ang ganda ng pagkakagawa nila. Kaya talagang sobrang sama ng loob ko, pero wala akong magawa. Pasensiya na dun sa taxi driver, inuulit ko, at sa pamilya mo. Sa pamilya niya, kay Gretchen. Pasensiya na kayo kung ano man 'yung nangyari. Humihingi ako ng tawad sa inyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN