Kristine Hermosa talks about deep love with Diether Ocampo in past tense

IMAGE 0


"Nandun pa rin [love]. Hindi naman mawawala ‘yon. E, 'yung lovenaman namin ni Diet, hindi naman mababaw. It's something na sobrangmalalim at mas lumalim," says Kristine Hermosa about her relationship with Diether Ocampo.'


Nagsalita na si Kristine Hermosa tungkol sa lumabas na balita na pinalitan na niya ang aktor na si Diether Ocampo sa buhay niya. Nauugnay kasi ngayon si Kristine sa isang binatang Bombay ang hitsura, kalbo, at may magandang pangangatawan na nagngangalang Rajiv.

Ayon pa sa usap-usapan, nakita raw na magkasama sina Kristine at Rajiv noong isang linggo sa Hong Kong. Sweet daw ang dalawa habang nasa grocery ng isang mall doon. Ito raw ang naging dahilan ng matinding pagseselos ni Diether.

"Sino? Sinabi niya nagseselos siya? Hindi ko ever narinig si Diet na nagtanong sa akin. Hindi siya ganun, e," pahayag ni Kristine.

Nakilala na rin daw ni Diether ang sinasabing lalaki. Kaibigan daw ‘yon ni Kristine na ayon sa aktor ay "a very nice guy." Inamin ni Diet na nililigawan pa rin niya hanggang ngayon si Kristine.

"Siguro sinasabi niyang nanliligaw kasi hindi naman mawawala sa kanya [Diether] na mahal pa rin niya ako!" sabay tawa ni Kristine.

"Nandun pa rin [love]. Hindi naman mawawala ‘yon. E, 'yung love naman namin ni Diet, hindi naman mababaw. It's something na sobrang malalim at mas lumalim."

Sa kabila nito, inurong muna nila ni Diet ang plano nila na pagpapakasal. Napapansin daw kasi ni Diet na the more he spends so much effort sa bagay na ito, lalo raw siyang napapagod.

"Walang nangyayari kaya might as well make a change of plans. That can wait," pahayag ni Diet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN