Maja Salvador realizes her dream to star in a primetime series

IMAGE 0


"Sa status ko ngayon, sobrang thankful na ako kasi nakikita nila 'yung talent at pagmamahal ko sa trabaho ko. I have to improve my craft para magtagal ako sa industry na ito. Sa suporta ng mga taong nagmamahal at nagtitiwala sa akin, masaya na po ako," says Maja Salvador.



Hataw ang career ng young actress na si Maja Salvador ngayon dahil bukod sa mga endorsements niya, dance album, regular show ASAP ‘07, launching movie na My Kuya's Wedding, kasama pa siya sa pinakabagong primetime teleserye ng ABS-CBN, Pangarap Na Bituin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Maja na siya ang masuwerteng napili para makasama sina Sarah Geronimo at Rica Peralejo bilang Jewel Sisters sa Pangarap Na Bituin.

Noong niluluto pa lang kasi ang project na ito ay iba't ibang pangalan ang lumabas na makakasama nina Sarah at Rica—gaya nina Yeng Constantino, Rachelle Ann Go, Shaina Magdayao, at Toni Gonzaga—pero kinabog niya ang mga ito.

Ano ang pakiramdam ni Maja sa napakalaking break na ipinagkaloob sa kanya ng Kapamilya network?

"Sobrang saya ko po. Ang laki ng pasasalamat ko sa ABS-CBN for trusting me on this project. Unti-unti na po talagang natutupad ang pangarap ko. Parang nananaginip pa nga rin ako," sabi ni Maja sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pangarap Na Bituin sa Studio 1 ng ABS-CBN.

"Dati-rati nanonood lang ako ng teleserye at humahanga sa mga idolo ko, pero ngayon isa na rin ako sa mga artista ng ABS. I'm very grateful po talaga," dagdag pa niya.

Paano ba napasakanya ang role na ito, lalo pa't hindi naman talaga siya professional singer?

"Pinakinggan po nina Ma'am Malou Santos at Ma'am Charon Santos ang boses ko doon sa CD na ipinadala namin. Yung mga kinanta ko sa First Day High CD namin. Ayun po, luckily, nagustuhan naman nila kaya napili ako for the said role," kuwento niya.

Anong mga paghahanda ang ginawa niya para sa role bilang Ruby sa teleseryeng ito?

"Nag-voice lessons din ako. Actually, kumakanta naman po talaga ako. Back in high school, nagbabanda-banda kami. Kasi nakilala ako ng mga tao na hataw sa dance floor kaya nagulat sila na I can sing din. Pero hindi ko po ka-level sina Ate Rica at Sarah, ha," natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Maja, "Natutuwa rin ako kasi binibigyan ako ng tips ni Sarah pagdating sa pag-aalaga ng boses. Sabi niya sa akin, huwag daw ako iinom ng malamig na tubig after kong kumanta."

Totoo bang tinatalbugan niya si Sarah pagdating sa acting sa kanilang teleserye?

"Naku, hindi po totoo 'yan!" mariing tanggi ni Maja. "Kami ang magkakampi ni Sarah dito kaya wala akong balak makipagsabayan sa kanya pagdating sa aktingan . Magaling na singer at aktres si Sarah. Sa totoo po, hinahangaan ko nga siya. Hindi nga nila ako pinababayaan dito at nagsusuportahan kaming tatlo."

Marami ang humuhula na in the years to come, isa si Maja sa sinasabing next important star ng ABS-CBN. Ano ang pakiramdam kapag sinasabi sa kanya ang bagay na ito?

"Naku, ayoko pong mag-isip ng ganyan," nahihiyang sabi niya. "Sa status ko ngayon, sobrang thankful na ako kasi nakikita nila 'yung talent at pagmamahal ko sa trabaho ko. I have to improve my craft para magtagal ako sa industry na ito. Sa suporta ng mga taong nagmamahal at nagtitiwala sa akin, masaya na po ako."

Maja will turn 19 years old on October 5, pero hindi pa raw siya ready na magka-boyfriend. Right now, deadma muna si Maja sa kanyang love life at kailangan daw muna niyang pagtuunan ng pansin ang career. Dream kasi niyang maipagpatayo ng sariling bahay ang kanyang family kaya no way muna sa kanya ang mga boys.

Abangan din ang gagawin ni Maja na malaking pelikula under Star Cinema kasama ang isa sa hottest loveteam sa kasalukuyan. Ayaw munang magbigay ng details ng dalaga dahil confidential pa raw ito, pero according to our source ay sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang makakasama niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN