Jake Cuenca talks about acting career and staying fit

IMAGE 0


"Ang sarap ng pakiramdam kasi feeling ko sobra-sobra ang blessings sa akin ngayon," says Jake Cuenca.



Hindi pinagsisisihan ng young actor na si Jake Cuenca ang paglipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7. Isa siya ngayon sa addition ng ABS-CBN's Star Magic roster of talents. It's a career move and a challenge for him at malaki ang pasasalamat niya dahil nabigyan siya ng chance to prove his worth as an actor.



Busy siya ngayon doing the Sine Serye Natutulog Ba Ang Diyos together with real-life sweetheart Roxanne Guinoo and Joross Gamboa. Bukod dito, regular pa rin siya sa ASAP '07 as one of the Coverboys at sa sitcom na That's My Doc. Kasama rin siya sa bagong fantaserye na Lastikman.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jake, sinabi nito na ayaw niyang limitahan ang kanyang sarili bilang aktor. Wala naman daw siyang dream role at lahat ng ibinibigay sa kanya, he takes it as a blessing. Hindi raw siya magsasawang um-attend ng mga workshops dahil alam niyang malaki ang maitutulong nito para mapagbuti ang kanyang pag-arte.



Sa kabila ng kanyang busy schedule, hindi nakakalimutan ng binata na pangalagaan ang kanyang katawan. According to Jake, sports, vitamins and a disciplined food intake ang kanyang sikreto sa pagkakaroon ng healthy and physically-fit body. Marami ang humahanga sa ganda ng katawan ng binata kaya marami ang nagtatanong kung paano niya ito name-maintain.



"Of course, I do take multi-vitamins panlaban ko sa puyat at stress. I don't eat rice din for almost two years na. I'm into low-carb meals and I eat whole wheat bread. Healthy food and healthy lifestyle lang ang kailangan to maintain a physically fit body," pagbubunyag ni Jake.



Itinigil na rin daw niya ang madalas na paggimik dahil na rin nga sa busy sked niya.



"Before I used to go out a lot, gimik dito at gimik doon. But now, I don't go to bars anymore. I do attend parties, pero I make it a point that I don't stay late that much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kapag hindi busy sa showbiz commitments si Jake, nasa bahay lang daw siya at naglalaro ng X-Box or PlayStation 3. Favorite game niya sa X-Box ang sports na FIFA soccer.



Speaking of soccer, sports buff din ang binata. Naglalaro siya ng soccer every Sunday and Tuesday kapag may free time siya. Bukod dito, gusto rin niya ang wall climbing, biking, and skateboarding. Mas gusto raw niya ang mga ito compared to basketball and badminton.



Aside from being active in sports and eating the right food, Jake's interests include reading books and rock music, which he loves a lot.

Aminado rin ang binata na everyday is a wonderful day for him sa piling ng kanyang special girl na si Roxanne.



"We know our priorities now pero ang maganda sa amin ni Roxanne, inspirasyon namin ang isa't isa sa lahat ng ginagawa namin. We're always there supporting each other. Ang sarap ng pakiramdam kasi feeling ko sobra-sobra ang blessings sa akin ngayon. Kakaibang glow ang hatid ni Roxanne sa buhay ko," pagwawakas ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN