Joey Marquez guilty of "walis tingting" graft case —Sandiganbayan

IMAGE 0


Former Parañaque City Mayor Joey Marquez was found guilty by the Sandiganbayan for the anomalous purchase of more than P2.9 million broomsticks during his term.


Agad na nagpiyansa ang dating mayor ng Parañaque City na si Joey Marquez ilang oras matapos mahatulan ng "guilty" ng Sandiganbayan para sa kasong graft na isinampa laban sa kanya.

Ang nasabing kaso ay may kinalaman sa kuwestiyonableng pagbili ng lungsod ng Parañaque ng mga walis noong 1996 hanggang 1998 nang si Marquez pa ang nakaupo sa puwesto. Umabot diumano sa mahigit P2.9 milyon ang halaga ng mga nasabing walis—overpriced ng P462,708 ayon sa Commision on Audit (COA). Dahil dito, maaaring makulong si Marquez ng hanggang 50 taon.

Sa 30-page decision na inilabas, ipinaliwanag ng graft court ang kanilang desisyon ukol sa maanomalyang transaksyon.

Ayon sa desisyon, "A perusal of the prosecution's evidence would readily reveal ... that the local government of Parañaque was seriously prejudiced by the transactions under review. The transactions were entered into in violation of existing COA regulations.

"This Court is convinced that the transactions entered into by Parañaque City relative to the walis tingting are manifestly and grossly disadvantageous to the government."


Sa ulat ng www.gmanews.tv, bukod kay Marquez, tatlo pang kasangkot sa nasabing kaso ang pinagpiyansa ng P90,000 bawat isa at P150,000 na additional cash bonds. Kinakailangan din nilang i-reimburse ang halagang P462,708 o ang overpriced value ng nasabing deal.

Si Associate Justice Jose Hernandez ang nagbigay ng hatol samantalang sinang-ayunan naman ito nina Associate Justices Rodolfo Ponferrada at Gregory Ong.

THE (ALLEGED) ANOMALY. Pinanigan ng Sandiganbayan sa kanilang desisyon ang mga reklamo nina Director Cornelio Somido at prosecutor Karen Funelas ng Office of the Special Prosecutors dahil sa hindi pagkakaroon ng public bidding para sa nasabing deal.

Nakasulat sa desisyon na, "The court cannot ignore the obvious truth displayed by the (prosecution) evidence. There is no evidence on record that the accused attempted to conduct public bidding."

Napag-alaman din ng COA na ang 31,334 "extra-sized" na walis ang overpriced ng P4 bawat isa, samantalang ang 24,098 "extra-large"na walis ay tumaas ng P14 bawat isa kumpara sa orihinal na presyo nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bawat taxpayer umano ay nagbayad bawat isa ng P14 para sa "extra-sized" at P25 para sa "extra-large" na walis.

MOTION FOR RECONSIDERATION. Matapos makapagbigay ng P240,000 na piyansa, nagsampa na rin ng motion for reconsideration ang abogado ni Marquez na si Atty. Noel Malaya.

Nang hingan ng pahayag ang comedian, nasabi ni Marquez na maaring na-overlook ng Sandiganbayan ang ilang detalye ng nasabing transaksyon.

Sa radio interview ni Marquez sa dzBB, sinabi nito na, "We respect the decision of the Sandiganbayan, but this is a process that we have to take. We have to look on the decision and some of the findings, and probably include some of the findings that might not have been included."

Hindi naman nagbigay ng komento ang abogado ni Marquez dahil, "the case is still sub judice and our ethics proscribe us from making any comment."

Samantala, acquitted naman ang tatlo pang ibang nasangkot sa kaso na sina city budget officer Flocerfida Babida, mayor's office staff AilynRomea, at ang trader na si Antonio Razo.

Si Razo ang may-ari ng ZARO Trading na nagkaroon na rin ng ilang purchase contracts sa pamunuan ng Parañaque.

Nagsimulang manilbihan si Marquez bilang vice-mayor sa Parañaque noong 1992 hanggang 1995. At nagsilbi naman siya bilang mayor mula 1995 hanggang 2004.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN