Four StarStruck 4 graduates are now certified Regal Babies

IMAGE 0


StarStruck 4 graduates (from left) Aljur Abrenica, Jewel Mische, Kris Bernal, and Prince Stefan are now part of the elite circle of Regal Babies as they sign an exclusive contract with Mother Lily's film outfit today.



Regal Babies na rin ang mga taga-StarStruck 4 na sina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Prince Stefan, at Jewel Mische. Sabay-sabay silang pipirma ng kontrata ngayong araw, September 1.

Pero hindi pa sigurado ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kung kagaya sa eight-picture contract nina Jenica Garcia at Mart Escudero ang kanilang pipirmahan sa harap nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo.

Pare-parehong winners sa StarStruck sina Kris, Aljur, at Jewel samantalang si Prince ay naging runner-up. Sina Kris at Mart ang itinanghal na Ultimate Pair, pero ngayon ay kay Jenica na nga itinatambal si Mart. Si Aljur ang nanalong Ultimate Hunk at si Jewel naman ang Ultimate Sweetheart.



Sa apat, si Kris ang unang magkakapelikula dahil kasama sila ni Mart sa Kulam nina Judy Ann Santos at Dennis Trillo. Si Jewel naman ay ilu-launch sa Dagaw ng GMA Films bilang isa sa mga kapareha ni Richard Gutierrez.



Hindi rin naman magtatagal ang paghihintay nina Aljur at Prince na magkapelikula. Si Prince ay siguradong makakasama ni Lovi Poe sa launching movie nito sa Regal dahil sila ang bini-build up na loveteam ng GMA-7.



Nagtataka lang ang PEP kung bakit hindi pinapirma ng kontrata ng Regal si Paulo Avelino dahil siya ang babagay na ka-loveteam ni Jewel. May supporters na rin sila kahit noong nasa StarStruck 4 pa lang sila at siguradong matutuwa ang mga ito kung pati sa pelikula ay mapapanood ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN