Dino Guevarra does not regret breaking up with Kim delos Santos

IMAGE 0


"Mas okay yung mga nangyari kasi nakapag-abroad siya dahil nandun angmga magulang niya. Nakapag-aral, nakapagtapos ng pag-aaral, may bago nanga rin yata siyang boyfriend, may mga negosyo pa yata siya doon,kumikita siya ng dollars. So I can say maganda naman ang kinapuntahanniya," says Dino Guevarra about ex-wife Kim delos Santos.



Kung patuloy na umaalagwa ang career ng ilang kapanabayan ni Dino Guevarra gaya nina Dingdong Dantes, Polo Ravales, at Sunshine Dizon, tila tuluyan nang lumamlam ang showbiz career ng dating teen idol.



Kahit pa nga panaka-naka ay may mga shows na naibibigay sa kanya, nakapanghihinayang isipin na imbes na umangat ang career ni Dino ay unti-unti itong lumubog kasabay ng pagkasira ng relasyon nila ng ex-wife na si Kim delos Santos.



Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dino, inamin niya na ang pag-aaway nila noon ng manager niyang si Dolor Guevarra ang maituturing niyang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya. Pero ngayon daw ay naayos na raw kung anumang gulo na namagitan sa kanila ng kanyang manager.



"Actually, hindi naman sa pagkukulang. Tingin ko, nagawa ko naman ang mga puwede kong gawin. Nagpabaya siguro, pero di nagkulang. Iba ang pagkukulang sa pagpapabaya.

"Pinabayaan ko in a way na inaway ko ang mga taong nakatulong sa akin ng malaki, unang-una na ang manager kong si Tita Dolor. Nagkamali ako dun, dun nasira ang career ko. Kumbaga, nandun ka pero biglang nawala. Buti na lang nagkabati kami after three years," lahad ni Dino.

KIM DELOS SANTOS. Ang tambalan nila noon ni Kim ang isa sa pinakasikat na loveteams sa bakuran ng Viva Films, kasama nina Dingdong Dantes-Antoinette Taus at Polo Ravales-Sunshine Dizon.



Speaking of Kim, bukas pa ba ang komunikasyon nila ng dating asawa? Naging masalimuot kasi ang hiwalayan ng dalawa na naging dahilan upang magdesisyon si Kim na sa Amerika na lang manirahan.



"Wala kaming communication. Though before, meron isang beses sa loob ng dalawang taon," pag-amin ni Dino. "Talagang sobrang bihira, kumbaga e-mail lang.

"Sa ngayon, nakaayos na yung annulment. Nasa korte na siya, hinihintay na lang yung kasagutan ng kabilang panig. Bago pa lang, isang buwan pa lang yung annulment. Hindi ito yung mabilisang annulment, sasailalim ito ng due process," sabi pa ng aktor kaugnay sa pagpapawalang-bisa ng kasal nila ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Matatandaang naging malapit kay Kim noon ang anak ni Dino sa ibang babae. Ngayon ba ay hindi na hinahanap ng bata ang nakilala na rin niyang ina-inahan?



"Hindi naman kasi, unang-una, hindi naman siya talaga anak ni Kim. Medyo close siguro, pero di kasing-close na tulad ng totoong Mommy niya kasi lumaki naman siya sa tunay niyang ina. Three years old siya noon, one year sa amin yung bata nung nagkahiwalay kami," lahad ni Dino.

Pero ayon kay Dino, sa kabila raw ng nangyari sa kanila ni Kim, may mabuti ring idinulot ang paghihiwalay nila.



"Wala akong nararamdamang pagsisisi," sabi niya. "Mas okay yung mga nangyari kasi nakapag-abroad siya dahil nandun ang mga magulang niya. Nakapag-aral, nakapagtapos ng pag-aaral, may bago na nga rin yata siyang boyfriend, may mga negosyo pa yata siya doon, kumikita siya ng dollars. So I can say maganda naman ang kinapuntahan niya."



Open din daw si Dino sa pakikipagkaibigan sa ex-wife niya.

"Oo naman!" bulalas niya. "Lahat naman ng kaibigan mo dati, gusto mong maging kaibigan ngayon. Kahit naman ex ko siya, puwede, di ba?"

Samantala, inamin ni Dino na nalulong siya noong sa casino at mga sugal. Ayon sa aktor, phase lang ito ng buhay na pinagdaanan niya before na hindi na raw niya babalikan.



"Isang phase ‘yon na kung ano nga ang nakikita mo sa matanda, parang sa iyo okay ‘yon, so napapagaya pero napapasobra naman. As you grow older, nare-realize mo na mali. Right now, hindi na ako nagsusugal. Yung mga kinikita ko, nilalagay ko na siya sa mga negosyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN