Bernard insists that his son with Meryll Soriano will carry the surname Palanca

IMAGE 0


"We're still legally married kaya Palanca pa rin. He's Elijah Revillame Palanca," says Bernard Palanca about his son with estranged wife Meryll Soriano.



Malaki ang naitulong kay Bernard "BJ" Palanca ng pagbabakasyon niya ng tatlong buwan sa Australia. Umalis ng Pilipinas si Bernard noong May pagkatapos nilang maghiwalay ng misis niya na si Meryll Soriano, na nagsilang ng kanilang anak na si Elijah noong August 27.



"What I did was I have to reinvent myself. Kasi before I left, tumaba ako nang sobra and it wasn't nice. I guess, at the same time, hinanda ko na rin ang sarili ko for a new life," kuwento ni Bernard sa PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng guesting niya sa The Buzz last Sunday, September 2.



Bakit nga ba siya umalis ng Pilipinas?



"Kailangan lang ng break," sagot niya. "Masama yung breakup, e. Tsaka na-burnout na rin ako. Sobrang depression na, so I needed it. Kailangan kong gumising ulit."



Favorite country daw ni BJ ang Australia at nagkataon na may mga kaibigan siya doon na nag-invite sa kanya since wala naman siyang ginagawa rito sa Pilipinas.



"Dumating ako two days before she [Meryll] gave birth," sabi ng aktor.



Bumalik ba siya dahil alam niyang manganganak na si Meryll?



"Alam ko na she was due last week [of August] or this week [first week of September]. Anytime within the two weeks, so I made sure na nandito ako. E, tamang-tama, when I got back two days after, so diretso ako sa hospital," saad niya.



Sino ang nagbalita sa kanya na nanganak na si Meryll?



"My Mom," sagot ni BJ. "Ginising niya ako. Sabi niya, ‘Wake up, Daddy.' So, diretso na ako sa hospital."



Totoo ba na hindi isinunod sa apelyido niya ang pangalan ni Elijah?



"You know, it was. Yung nakita ninyo, para lang sa chart, para lang alam nila. Ang nakalagay sa chart was Revillame. Pero nung dumating ako, nag-sign na kami. His name is Elijah Palanca. Palanca ‘yon!" paniniyak ni Bernard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Automatic naman daw na kasunod na apelyido ni Elijah ang ama niya since legally married pa rin sila ni Meryll.



"Yeah, we're still legally married kaya Palanca pa rin. He's Elijah Revillame Palanca."



Ano ang arrangement nila ni Meryll sa bata?



"Walang particular arrangement. If I want to see him, okay lang. I can see him anytime," sabi niya.



Pinag-usapan ba nila ni Meryll ang posibleng pagbabalikan nilang dalawa?



"No, no, that's not true," tanggi niya. "Kasi my concern kaya ako nagpunta doon is because of Eli, hindi sa relationship namin. Kasi umalis ako dito, tapos na ang relasyon namin. That's why I left para lang maka-move on ako, maka-get over [her], which I did. I've moved on. I'm happy already at lalo pa akong naging masaya nung lumabas si Eli."



Sasagutin pa rin ba ng biyenan niyang si Willie Revillame ang binyag ni Elijah gaya ng pagsagot niya sa hospital bills ni Meryll?



"Ay, ako na ‘yon!" mabilis na pag-ako ni Bernard. "Hindi na puwede. Hindi naman puwede ‘yon."



Nagpapasalamat naman si Bernard sa tulong na ipinagkaloob ni Willie sa hospital bills ni Meryll.

"Well, siyempre, I don't know how to thank him nga, e. Pero one of these days, ibabalik ko ang pasasalamat ko sa kanya in more ways than one."

Sa binyag ni Elijah sa Oktubre, binigyan ba siya ni Meryll ng karapatan na mamili ng mga ninong at ninang na gusto niyang kunin para sa kanilang anak?



"Yeah, of course," sagot ni BJ. "It's gonna be her side, my side; ganun pa rin. Parang ang nangyari, okay kaming lahat even without the relationship."



May napili na ba siya na maging godparents ng anak niya?



Ayon sa kanya, "My brother for sure, si Mico. Tapos the others, I don't know. I haven't made the list kasi kababalik ko pa lang and then ang dami nang nangyari in one week."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Araw-araw ay dinadalaw raw ni Bernard si Elijah sa ospital. Pero nung iniuwi na ni Meryll si Elijah sa bahay ng Mommy niya, tiniyak ni Bernard na bibisitahin niya pa rin ang kanyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN