Jenica Garcia on reprising her mom's role in "Impaktita"

IMAGE 0


"I feel na masyado pang maaga para bigyan ako ng solo movie. Gusto komunang makasama sa isang pelikula na hindi ako ang bida. Support munatayo sa ibang artista. Ayoko naman na may malaking expectations sa akinang maraming tao. Nakakatakot at baka hindi ko makaya ang pressure," says Jenica Garcia (left, with mother Jean Garcia) about starring in a solo movie.



Hindi pa pala napapanood ng young actress na si Jenica Garcia ng buo ang launching film Impaktita (1989) ng kanyang inang si Jean Garcia.



Naaalala raw ni Jenica na noong bata pa siya ay pinagbawalan daw siya ng kanyang ina na panoorin ang Impaktita dahil bukod sa horror ito ay may rape scene pa dun si Jean.



"Batang-bata pa ako noon at nasa VHS tape pa yung movie ni Mommy. Noong eksena na ng rape scene ni Mommy, pinatay kaagad niya. Ayaw raw niyang mapanood ko ‘yon kasi bata pa nga ako. Since then, hindi ko pa siya napapanood ng buo.



"Pero may nagsabi nga sa akin na pinapalabas na yung Impaktita sa cable. Hindi ko naman maabutan kasi lagi akong nasa taping. Siguro naman maka-cut na yung rape scene ni Mommy doon sa movie, 'di ba?" natatawang kuwento ni Jenica sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pasan Ko ang Daigdig.



Kung ire-remake ng Regal Entertainment ang Impaktita, papayag ba si Jenica na siya ang gumanap sa dating role ng kanyang ina?



"Depende po kung paano tatakbo yung istorya," sagot ng dalaga. "Pero definitely, mababago ang istorya from the original story na ginawa ni Mommy. Kumbaga, updated na siguro yung gagawin ko.



"Pero I feel na masyado pang maaga para bigyan ako ng solo movie. Gusto ko munang makasama sa isang pelikula na hindi ako ang bida. Support muna tayo sa ibang artista. Ayoko naman na may malaking expectations sa akin ang maraming tao. Nakakatakot at baka hindi ko makaya ang pressure."



Bukod sa telenovela na Impostora, youth drama na Boys Nxt Door, at launching movie nila sa Regal ng ka-loveteam na si Mart Escudero, ang Hide and Seek, magkasama rin sila sa bagong Sine Novela na Pasan Ko Ang Daigdig.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN