Maureen Larrazabal proud to admit she's gone under the knife

IMAGE 0


"Unang-una, nagiging running joke na nga siya sa mga sitcoms nakinabilangan ko. 'Tapos, tuwing may topic sa talk show regardingpagreretoke, kinukuha nila akong guest. Kaya it's really nothing to beashamed of. Proud ako to have a few things done sa katawan ko," says Maureen Larrazabal.



Kung noon ay ginagawang sikreto ang pagpaparetoke ng mga artista ng kanilang katawan, ngayon ay usung-uso na ito para gumanda ang isang artista.

Kabilang ang sexy actress na si Maureen Larrazabal sa mga aminadong may niretoke sa kanyang mukha at katawan. Hindi naman daw niya ito ikinahihiya dahil marami na raw ang nakakaalam.



"Hindi ko naman na puwedeng i-deny pa, di ba?" tawa ni Maureen sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pasan Ko ang Daigdig. "Unang-una, nagiging running joke na nga siya sa mga sitcoms na kinabilangan ko. Tapos, tuwing may topic sa talk show regarding pagreretoke, kinukuha nila akong guest. Kaya it's really nothing to be ashamed of. Proud ako to have a few things done sa katawan ko."



Kuntento na raw si Maureen sa mga napaayos niya sa katawan kaya wala na raw siyang gustong ipabawas o ipadagdag pa. Kaya noong tanungin siya kung feel ba niyang magpalaki ng lips ay hindi na raw.



"Naku, baka maging kamukha ko na si Diego!" malakas na tawa ni Maureen na ang tinutukoy ang labi ng kasamahan nila na komedyante sa Bubble Gang.



"Si Diego lang ang may karapatan na magkaroon ng ganung klaseng lips at natural ‘yon, huh! Hindi ‘yon fake! Mapapahiya si Angelina Jolie sa lips ni Diego!" tawa niya ulit.



Inamin ni Maureen na napag-isipan din niyang magpalaki ng lips na usung-uso ngayon sa mga artistang babae, pero baka raw hindi babagay sa kanya. Kuntento na raw siya sa kanyang mga labi.



"Hindi naman lahat ng pagpaparetoke ay okay sa akin," paglilinaw niya. "Tumatanggi rin naman ako. Mas bagay daw sa akin ang manipis ang lips kasi maliit ang mukha ko, e. Kapag pinalaki ko pa ‘yan, baka puro labi na ang makita sa akin!

"Tsaka kissable pa rin naman ang lips ko kahit hindi siya mala-Angelina Jolie, di ba? It's how you use your lips and not how it looks ang labanan," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN