Say Alonzo to JB Magsaysay: "We're not friends."

Sep 11, 2007
"JB, don't tell everyone we're friends because we're not. It's been two years, we have to move on, I'm moving on," Say Alonzo directly said to JB Magsaysay when the latter claimed that they are still friends, although not that close anymore.


Sa presidential table sa presscon para sa concert ng Pinoy Big Brother Season 1 housemates na Tuloy ang Buhay sa Mas Pinalaking Bahay kahapon, September 10, sa Globe Asiatique, Quezon City, ay kapansin-pansin na hindi nag-uusap sina Say Alonzo at JB Magsaysay. Pumagitan pa nga sa kanila ang co-housemate nila na si Franzen Fajardo.

Matatandaang naging sina Say at JB noong nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya. Nang maalis si JB, umasa si Say na hihintayin siya ni JB paglabas niya. Sa isang activity noon kung saan pinabasa sila ng mga current showbiz news, nagulat ang mga natitirang housemates sa isang article kung saan nakipag-date diumano si JB sa young actress na si Angelica Panganiban.

Bagama't nagkaayos na ang dalawa nang nag-surprise visit si JB pabalik sa PBB house, ang relasyon nila ang nag-suffer lalo na nang natapos ang stint ni Say sa Bahay ni Kuya. Kung sinu-sino pa ang naglabasan na mga naka-date daw ni JB, including young actress Megan Young na hindi pa lumilipat noon from GMA-7 to ABS-CBN. Parehong nag-deny sina JB at Megan na nagkita na sila kahit minsan.

Continue reading below ↓

Sa general question and answer portion ng presscon para sa concert ng PBB Season 1 housemates, naitanong kina Say at JB kung ano na ang estado ng relasyon nila. Everyone expected na friends ang isasagot ng dalawa ngunit nagulat ang lahat sa unang pasakalye ni Say.

"I can't say we're friends. I have may own definition of friends. JB is a housemate, hindi na mababago ‘yon. And once a housemate, always a housemate...We're civil though," sabi ni Say.

Iba naman ang sinagot ni JB.

"We're friends but we're not as close as before. Marami na kasing nangyari sa buhay namin, so wala na rin kaming communication," sabi ni JB.

Akala ng lahat, dito magtatapos ang sagot nila, ngunit humirit pa si Say.

"JB, don't tell everyone we're friends because we're not. It's been two years, we have to move on. I'm moving on," pambabara ni Say kay JB.

Iniba na ang topic ng entertainment press para hindi na magkasagutan ang dalawa.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Say Alonzo, JB Magsaysay
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"JB, don't tell everyone we're friends because we're not. It's been two years, we have to move on, I'm moving on," Say Alonzo directly said to JB Magsaysay when the latter claimed that they are still friends, although not that close anymore.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results