Nene Tamayo dismissed from "TV Patrol World" for alleged Magdalo connection

IMAGE 0


Former "Citizen Patrol" segment host Nene Tamayo reveals she was recently pulled out of TV Patrol World on suspicion that she was using the program to recruit followers for the Magdalo rebels.



Namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang first Pinoy Big Brother winner na si Nene Tamayo last September 9 sa canteen ng ABS-CBN. Kinuha na namin ang pagkakataon upang tanungin siya kung anong dahilan at tinanggal siya three months ago as segment host sa "Citizen Patrol" ng TV Patrol World.

"Kaya po ako natanggal doon ay dahil sa Magdalo group," diretsong sagot ni Nene. "Akala po kasi ng nasa government, isa ako sa mga nagre-recruit na maging rebeldeng sundalo yung mga tao. Parang ang perception nila, ginagamit ko yung 'Citizen Patrol' para maka-recruit ako ng mas maraming tao na magrebelde against sa government."

Ang Magdalo ang grupo ng mga sundalo na nanguna sa nabigong coup attempt laban sa pamahalaan ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Sa pangunguna ng lider nila na si dating Navy lieutenant Antonio Trillanes, na ngayon ay senador na, inokupahan ng Magdalo ang Oakwood sa Makati City noong July 27, 2003.

Aminado ang dating sundalo na si Nene na kaibigan niya ang ilang miyembro ng Magdalo.

So, ang ibig bang sabihin nito ay pinagsuspetsahan pa lang siya, pero tinanggal na agad?

"Opo," sagot ni Nene. "Tapos to the point nga po na merong mga sumusunod sa akin dati. Tapos to the point na pati si Mr. Lee, yung may-ari ng St. Monique Valais, na tinitirhan ko sa Binangonan [Rizal], pinupuntahan nila para tanungin kung nasaan ako."

Idinagdag pa ni Nene na nalaman daw ng News and Public Affairs ng ABS-CBN na suspect siya bilang kasabwat ng Magdalo dahil may tumawag na taga-Department of National Defense.

Isa rin sa dahilan kung bakit nagdesisyon ang ABS-CBN News and Public Affairs na tanggalin na sa "Citizen Patrol" si Nene ay marami na raw viewers ang nagrereklamo at pinararatangan nila na member diumano ng Magdalo group si Nene.

"Kasi nga, nung lumabas sa survey doon sa Pulse Asia, ang most popular segment sa TV Patrol is 'Citizen Patrol.' So parang na-threaten siguro na ganoon, na parang mas makakahikayat ng mga tao para mag-rally against the government. E, wala naman akong planong ganoon. Ang gusto ko lang naman is makatulong, e," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano sinabi sa kanya na tatanggalin na siya sa TV Patrol World?

"Ipinatawag nila ako ‘tapos kinausap nila ako. Sabi nila sa akin, baka raw may makuha pa silang ebidensiya na may dog tag ako. Kasi bawat member ng Magdalo, may dog tag. Sabi nila, baka ipinatago ko lang daw sa iba. Sabi ko, ‘Wala naman po akong maipapakita sa inyong dog tag. Wala naman po akong involvement sa kanila dahil kung meron, dapat ay hindi na ako nagpapakita at nagtatago na ako ngayon.' Parang, ano bang gagawin ko against the government? Wala!

"Tumutulong nga ako kaya nga ako nag-'Citizen Patrol' para ipamulat sa mga tao na meron din silang magagawa na hindi lang sila dapat umasa sa government na, kumbaga, kailangan parehong side, nagtutulugan. Hindi yung kailangang reklamo sila nang reklamo tapos wala naman silang ginagawa," saad ni Nene bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN