Robin Padilla is hopeful that Rustom will patch things up with his family

Sep 14, 2007
Ang pagkapanalo ni Rustom Padilla (nakatalikod) as Best Actor ang naging daan upang makausap nitong muli ang kapatid niyang si Robin. Naganap ang madamdaming tagpo sa 30th Gawad Urian Awards night sa Ateneo de Manila kagabi, September 13.

"Siguro ngayon makikita na namin siya sa family gatherings," sabi ni Robin Padilla pagkatapos nilang magkita ng kapatid na si Rustom Padilla sa 30th Gawad Urian Awards Night.

Naging madamdamin ang pagkikita at actual reconciliation ng magkapatid na Padilla sa nakaraang Gawad Urian na ginawa kagabi, September 13, sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila.

As last year's recipient of Best Actor for the movie La Visa Loca, si Binoe (palayaw ni Robin) ang naatasan na mag-present ng kaparehong award ngayong taon kung saan nominado ang kanyang nakatatandang kapatid.

Nagwagi si Rustom para sa pelikulang ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh at naka-tie niya si Mark Gil as Best Actor para sa pelikulang Rotonda.

Dahil sa pag-amin noon ni Rustom ng kanyang kasarian noong bahagi pa siya ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition, nagkaroon ng gap ang magkapatid at lumayo na rin si Rustom sa pamilya niya.

"Noong una nagulat din ako sa pag-amin niya," paliwanag ni Robin paglabas ng auditorium ng Ateneo. "Hindi naman kami nakapag-usap kasi siya ang hindi nagpupunta sa mga family reunion namin, palaging hindi sumisipot."

Continue reading below ↓

Sa mismong stage nagkita at nagkabati ang magkapatid at malakas na palakpakan ang binigay ng audience sa pagyayakap nila.

Natuwa si Binoe na in-offer ni Rustom ang tropeo niya sa kanilang ina na si Eva Cariño na matagal nang hindi nakikita ang anak. Sinabi ni Rustom sa kanyang acceptance speech na sosorpresahin niya ang kanyang ina upang ibalita ang kanyang pagkapanalo.

"Ako naman, kahit ano ang mangyari, kapatid pa rin siya. At masaya ako dahil sa pagkapanalo niya. Napatunayan niya ang pagiging aktor niya kahit ano pa man siya," pagmamalaki ni Binoe kay Rustom.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang pagkapanalo ni Rustom Padilla (nakatalikod) as Best Actor ang naging daan upang makausap nitong muli ang kapatid niyang si Robin. Naganap ang madamdaming tagpo sa 30th Gawad Urian Awards night sa Ateneo de Manila kagabi, September 13.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results