Cherry Lou and Michael Agassi exchange wedding vows

IMAGE 0


Cherry Lou and Michael Agassi exchanged wedding vows at the latter's birthplace in Laguna last September 15, 2007.


Ikinasal na ang Showgirl na si Cherry Lou sa long-timeboyfriend niya si Michael Agassi nung Sabado, September 15, sa Mystic Valleysa Laguna, na pag-aari ng pamilya Agassi. Si Michael ay nakababatang kapatid ngactor-rapper na si Carlos Agassi.

"Same batch kami sa Star Circle Batch 9 at dun kaminagka-inlaban. Actually, siya yungnaunang na-in love sa akin. Six years, six years na kami. Super mahal kasi kunghindi, hindi ko igi-give up ‘yung mga boys ko d'yan," lahad ni Cherry Lou.

Nung December 30, 2006, pa lamang daw ay namanhikan na angmga magulang ni Michael sa bahay ni Cherry Lou at nagkataon pa na birthday that time ng dating singing partner at older sister niyang si Cherrie Gal.

"Actually, tatlong beses na akong nag-propose sa kanya,"pahayag ni Michael.

Sabi naman ni Cherry Lou, "Actually, tatlong beses ko siyangtinanggihan, joke! May tatlong singsing na siyang 'binigay sa akin."

Kumpirmado rin na tatlong buwang buntis na si Cherry Lounung nagpakasal siya kay Michael.

"Matagal ko nang gustong magka-baby," sabi ni Michael. Kwento pa ni Cherry Lou, sa Laguna ipinanganak siMichael kaya pinilit niya na doon sila magpakasal.

"Gusto ipahawak sa amin ng Mommy ko [ang resort]. Surprise‘to ni Mommy para sa amin," sabi pa ni Michael.

Kabilang sa mga napili nila na maging godparents sa kanilangkasal ay sina Gabby Lopez ng ABS-CBN, ang manunulat at host na si Cristy Fermin atang broadcaster na si Korina Sanchez. Twenty pairs lahat ang ninong at ninang nila sa kasal.

Nasa entourage naman ang mga kasamahan ni Cherry Lou naShowgirls na sina Gem Ramos, Michelle Estevez at Jen Rosendahl. Sa lalaki namanay sina Carlos at ang bunso ng mga Agassi na si Aaron.

Pagkatapos ng kasal ay magpapahinga muna sa Laguna angbagong kasal habang kasama pa nila ang pamilya ni Cherry Lou na galing Mindanao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon kasi yung family ko nandito silang lahat fromMindanao pero after that baka gusto niya sa ibang bansa. We'll see," sabi niCherrie Lou.

Samantala, magkaiba ang gender na gusto nila sa kanilang magiging anak.

"Ako, gusto ko talaga, boy, pero gusto ng family ko, girl. Lahatkasi kami three boys, e," sabi ni Michael.

"Lahat naman kami all girls, four kami," dagdag naman niCherrie Lou.

Bilang panghuli, heto naman ang pangako nila sa isa't isa.

"We've been through a lot. Pero promise ko, aalagaan kita,pati magiging babies natin hanggang 'andito pa ako. I love you at mamahalin kitafor the rest of my life," promise niCherry Lou.

At heto naman si Michael para sa kanyang misis, "Sananafi-feel mo na parang bago pa rin yung love natin. Tapos I'll try my bestpara suportahan kita and our family. Mahal na mahal kita at ‘di kitaipagpapalit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN