Luis Alandy returns to GMA-7 after ABS-CBN contract ends

IMAGE 0


Luis Alandy was one of the new stars launched by GMA-7 in the early part of this millennium, but he decided to move to ABS-CBN. Now, a few years after, Luis has returned to his original home.



Pipirma ang aktor na si Luis Alandy at ang kanyang manager na si Arnold Vegafria ng co-management contract with GMA Artist Center. It will be a two-year guaranteed contract and two years option.

One of the brightest young stars of GMA-7 nang magsisimula ang milenyo and starring in three concurrent shows—Di Ba't Ikaw, SOP, and Bubble Gang—isa dapat si Luis sa mga ilu-launch noon sa pinakabagong teen show ng GMA-7 na Click.

Hindi ito natuloy at inilipat agad siya sa ABS-CBN kung saan isang high-profile show agad ang ibinigay sa kanya, as part of the love triangle with Jericho Rosales and Kristine Hermosa in Pangako Sa 'Yo. Sinundan agad ito ng isa pang high-profile soap, ang Sa Dulo Ng Walang Hanggan opposite Claudine Barretto and still another one, ang Sana'y Wala Nang Wakas na pinagsamahan muli nina Echo and Kristine.

Bagama't leading man status na si Luis na that time, bigla rin siyang napahinga muna at muling bumalik sa Gulong Ng Palad opposite Kristine again.

Pagkatapos ng Gulong ng Palad, dahil wala nang kontrata sa ABS-CBN, nakabalik si Luis sa GMA-7 starting with Impostora na magtatapos this week.

Sa thanksgiving party ng Impostora ay inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Luis ang tunay na dahilan kung bakit siya biglang umalis sa GMA-7 noon.

"Nung time na ‘yon, nagkaroon ng misunderstanding sa amin ng then Artist Center head Rhadya [Bocobo]. Dapat sana, ilalagay ako sa Super Klenk [starring Ara Mina] pero hindi ako nasabihan na tinanggal na pala ako. Kinausap namin ng parents ko si Rhadya, bakit nagkaganoon. Ang sagot sa akin, ‘Wala ka nang aura.' Wala na raw akong glow.

"I was very young then so na-traumatized ako. Sabi ng parents ko, ‘If that's how you see it, might as well stop showbiz na.' Ready na talaga akong mag-quit noon sa showbiz and then ABS-CBN made an offer so I moved," kuwento ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As early as last year, nang wala nang kontrata si Luis sa ABS-CBN, tinanong na rin siya kung available na ba siyang magtrabaho muli sa GMA-7.

"Kararating ko pa lang noon from the States. Nag-recuperate ako due to my knee injury," sabi niya.

Sa party ni Victor Neri noon, natanong siya ng kanyang magiging production manager sa Impostora na si Redgynn Alba kung puwede na siyang lumabas sa GMA-7. Pero dumating naman ang Gulong Ng Palad, so naghintay muli ang Kapuso network kung kailan na siya available.

Nang matapos ang Gulong, in-offer ang Impostora kay Luis at tinanggap na niya ito.

Ngayong magtatapos na ang Impostora, may nakahanda na ring show para kay Luis, an afternoon soap muna bago siya bumalik sa primetime.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN