Aiko Melendez and Martin Jickain have slim chance of reconciling

Sep 16, 2007
Martin Jickain (middle) and Aiko Melendez (right) during their happier times. Barely two months ago, their grey-eyed baby Marthena turned one. The couple had a sunset garden wedding last February 16, 2006.

Bago nagpasya si Aiko Melendez na makipaghiwalay sa kanyang asawang si Martin Jickain, isa sa mga unang tinawagan ng actress-turned-politician ay si Wygard Tracy, ang dating niyang manager at naging ninong sa garden wedding nina Aiko at Martin noong Pebrero 2006.

Alam ni Wyngard ang mga dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa pero hindi siya nagkuwento nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Celebrity Duets noong Sabado, ika-15 ng Setyembre.

“Nagpapasalamat ako dahil may gag order ang korte dahil sa PPO (Permanent Protective Order) na isinampa ni Aiko,” ang bungad ng batikang manager na alaga rin sina Maricel Soriano at Jaya.

Nakasaad sa Republic Act 9262 na ang PPO “is issued for the purpose of preventing further acts of violence against a woman or her child.” Ang naturang order ay may bisang ilayo ang “petitioner and other designated household member” sa “respondent.” May bisa rin itong magbigay ng “permanent custody of a child/children to the petitioner.”

Continue reading below ↓

“Sina Martin at Aiko ang tanging nakakaalam ng kanilang mga problema at sila lamang ang puwedeng makalutas,” ang pahayag ng Celebrity Duets contestant.

Sa tingin ni Wyngard, baka hindi na magkabalikan ang mag-asawa at kung mangyari man ito, dapat maging magkaibigan sina Aiko at Martin alang-alang sa kanilang anak na si Marthena na nag-celebrate ng kanyang first birthday nito lamang July 29.

Ang payo ni Wyngard, na siya ring naghatid kay Aiko sa altar, ay huwag magsalita sa media dahil ayaw niyang matulad ito sa ibang mga tao o artista na pinagpiyestahan ng mga reporter at ng buong madla ang personal nilang buhay.

Nang sabihin noon ni Aiko kay Wyngard na gusto na nilang magpakasal ni Martin, nagkaroon ng mga pangamba ang kilalang talent manager dahil marami na siyang nakitang mga kaso ng whirlwind romance na hindi nagtagal.

Nonetheless, wala siyang nagawa dahil sinabi sa kanya ng dalawa na mahal nila ang isa't-isa.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Aiko Melendez, Martin Jickain
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin Jickain (middle) and Aiko Melendez (right) during their happier times. Barely two months ago, their grey-eyed baby Marthena turned one. The couple had a sunset garden wedding last February 16, 2006.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results