Piolo Pascual on gay stigma: "Kahit pa mag-asawa na ako, hindi na mawawala ‘yan."

IMAGE 0


"Sa kaso ko, sa simula pa lang, namarkahan na ako ng ganyan, e. I'd besurprised if there's something else that they would wanna say about me,di ba? And I think, kahit pa mag-asawa na ako, hindi na mawawala angstigma na ‘yan," says Piolo Pascual about the gay issue that has hounded him for the longest time.



Sa launching ng bagong album ni Piolo Pascual under Star Records na Timeless kahapon, September 18, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na tanungin ang actor-singer tungkol sa mga intrigang kinasasangkutan niya.



Isa na rito ang hindi pa rin matapus-tapos na hidwaan sa pagitan nila ng dati niyang leading lady at kaibigan na si Judy Ann Santos.



"Pagdating sa isyu na ‘yan, wala talaga akong maiku-comment," pag-iwas ni Piolo. "Ayokong magkaroon kami ng problema. Sa akin, let's just respect her feelings about it. Let's just let things be. Gaya naman ng lagi kong sinasasabi, whatever naman na i-comment ko pa about it, hindi rin magiging maganda ang magiging kalalabasan. So, better keep mum about it na lang."



Kung may mga tao na gustong magkalayo nang tuluyan sina Piolo at Juday, marami pa rin naman ang umaasa na balang araw ay magkaayos sila, kahit bilang magkaibigan lang.



"Let time be the judge. Let God take care of it. Basta, I'd rather not comment on it na lang," matipid niyang pahayag.



GAY ISSUE. One more issue na hindi pa rin mamatay-matay tungkol kay Piolo ay ang pagkuwestiyon sa kanyang seksuwalidad. Although may mga kababaihang die-hard Piolo fans na nagsasabing wala silang pakialam kahit ano pa man si Piolo.



"Pero ayoko naman nung ganoon na sasabihin nila na kahit bakla ako okay lang sa kanila," paglilinaw ni Piolo. "Siyempre, may ibang dating din ‘yon. Sa kaso ko, sa simula pa lang, namarkahan na ako ng ganyan, e. I'd be surprised if there's something else that they would wanna say about me, di ba? And I think, kahit pa mag-asawa na ako, hindi na mawawala ang stigma na ‘yan."



Ano naman ang masasabi niya sa sa mga taong patuloy ang pagtira sa kanya?



"I just hope nakakatulog sila ng mahimbing sa gabi," sagot niya. "I don't know why. Kasi never naman akong nagsalita ng against sa mga taong ito. Kung doon sila masaya, di hayaan na lang natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PIOLO'S SON.
Sa puntong ito ay natuon naman ang usapan namin tungkol sa bonding nila ng itinuturing niyang pinaka-inspirasyon niya sa panahong ito habang wala pang nakapagpapatibok muli ng kanyang puso—ang sampung taong gulang na anak niya na si Iñigo.



"He's in L.A. [Los Angeles] now, kasama ang Mommy niya. But I was able to spend time with him when I went there. Dun na siya nag-aaral. Minsan, nasabi na niya sa akin na gusto niya ngang mag-artista. Kaya sabi ko sa kanya, sige siya ang mag-artista, ako ang mag-aaral. Kung lalabas sa commercial, okay lang.

"Sa akin kasi, this is a full-time career. Pero talagang mahilig [si Iñigo]. One time, nagpa-piano, ipinarinig sa akin. Nagulat ako, kasi Beethoven piece yung tinutugtog niya. Mahilig din sa classical, ouido lang. Kumakanta rin. Minsan, nag-Center for Pop workshop na rin siya. Kaya sabi niya, pag-uwi niya raw dito, Hollywood star na siya! Pero nung nandun naman ako, ayaw naman niyang mag-absent sa school niya. Gusto niya ako ang pupunta dun," masayang kuwento ni Piolo tungkol sa kanyang anak.



Inamin din ni Piolo na noong namasyal sila minsan sa Disneyland ay kasama nila ang ina ni Iñigo. Pero ano ba ang pangalan ng ina ng kanyang anak?



"Iñiga! Joke!" tawa ni Piolo.



PASTOR PIOLO.
Umaariba man ang pagiging kengkoy ni Piolo, ang serious side naman niya ay may plano rin palang pasukin ang pulitika in the future. "Pero gusto ko munang matutong maging pastor," dagdag ni Piolo.

"Minsan, ako na yung nagmi-minister pag sa bahay kami nagba-Bible study. And ang wish ko, sana in the future, magkaroon din tayo ng presidenteng Christian. Magaling na presidente, yung makakapag-ahon sa ekonomiya natin at maire-represent nang mabuti ang community natin. Obvious naman kung anong klaseng presidente meron tayo. I'll just keep mum na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ano pa ba ang mahihiling ni Piolo sa buhay niya?



"Babae!" sagot niya. "Yung makakasama ko na sa habambuhay Gusto ko rin naman yung meron akong kasamang manood ng sine, kakain sa labas. Ka-holding hands mo..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN