Marian Rivera meets Piolo Pascual for the first time

IMAGE 0


Marian Rivera and Piolo Pascual (inset) met for the first time during the gala night of RRRampa For A Cause last Sunday, September 16. According to reports, Piolo was even the one who approached Marian and asked for a photo op with her, using his mobile phone.



Hindi nagtagumpay ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na pakabahin si Marian Rivera sa pagpasok this week ni Cristine Reyes sa Marimar. Bukod kasi sa may kissing scene si Cristine kay Dingdong Dantes, na gumaganap bilang asawa ni Marian, may eksena rin na kakailanganin nitong magsuot ng two-piece.



Tinanong namin si Marian kung hindi ba siya nai-insecure kay Cristine at kung magsusuot din ba siya ng two-piece sa Marimar.

"Actually, bago pa pumasok si Cristine, nag-usap na kami ni Direk Joyce Bernal na may sequence na magsusuot ako ng two-piece. Mangyayari ‘yon pag naging Bella Aldama na ako, pag yumaman na ako sa istorya ng Marimar," kuwento ni Marian sa pictorial ng cast members ng Bahay Kubo.



Sa sinabing ito ni Marian, hindi ba siya natatakot na sexy star na ang tingin sa kanya ng mga tao?



"Hindi naman siguro dahil lagi naming ipinu-point ni Popoy [Caritativo, her manager] na hindi ako sexy star. Nagkataon lang na sexy ang role ko sa Marimar. Tingnan n'yo naman, kasama ako sa wholesome at pang-family movie na Bahay Kubo ng Regal," paliwanag niya.



BAHAY KUBO. Sa nasabing pelikula ng Regal Entertainment, na entry sa 2007 Metro Manila Film Festival, gagampanan ni Marian ang role ng panganay na ampon nina Maricel Soriano at Eric Quizon. How is it, working with the Diamond Star?



"Okay naman. Wala pang eksena na kami lang ni Ms. Maricel. Ang nakunan ay kasama ko ang mga kapatid ko at siya. Nakakatuwa dahil 'Marimar' ang tawag niya sa akin at mabait siya sa mga baguhang gaya ko. Pag breaktime, niyayaya niya akong makipagkuwentuhan," lahad ni Marian.



Kasama rin sa pelikula si Mark Herras na dating manliligaw ni Marian. Sa pictorial ng cast ng movie, obvious na nag-iilangan sila. Nakadagdag pa para hindi sila maging kumportable ang pangangantiyaw at panunukso ng ilang entertainment writers na naroon din. Wala pang maikuwento si Marian sa working experience niya with Mark dahil hindi pa raw sila nagsu-shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginagawa rin ni Marian sa Regal ang Desperadas kung saan kapareha niya ang model na si Will Devaughn. Wala raw silang love scene dito dahil sa istorya ay magbi-break sila because of religion.



ENCOUNTER WITH PIOLO. Samantala, nabalitaan ng PEP na nagkita sa Gala Night ng RRRampa For A Cause na ginawa sa Rockwell Tent last Sunday, September 16, sina Marian at Piolo Pascual. Ayon sa balita, si Piolo pa raw ang lumapit kay Marian para magpa-picture, using his own mobile phone, as a remembrance.



Malaki ang papel ng direktor ng Marimar na si Joyce Bernal, na common friend nina Marian at Piolo, para maging kumportable sila sa una nilang pagkikita. Ikinukuwento pala ni Direk Joyce kina Marian at Joyce ang isa't isa kaya nang mag-meet sila sa unang pagkakataon at tsikahan na agad sila na para bang matagal na silang magkaibigan.



Sa November 30 concert ni Piolo sa Araneta Coliseum, si Marian lang ang GMA-7 talent na binanggit ng singer-actor na kanyang iimbitahan para manood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN