John Estrada opens up about the women in his life

IMAGE 0


John Estrada candidly talks about the women who have been linked to him (Vanessa del Bianco and Gretchen Barretto) and his current flame, Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles (in photo, with John). The hunky actor also talks about his movie with Megastar Sharon Cuneta and his children with ex-wife Janice de Belen.



Lalong gumaganda ang career ngayon ng aktor na si John Estrada dahil bukod sa pagkakasama niya sa bagong Sine Serye ng ABS-CBN na Lastikman, heto at napili siyang gumanap bilang mister ni Sharon Cuneta sa pelikulang London Caregiver (tentative title) ng Star Cinema.



Pagdating naman sa kanyang lovelife, inamin ni John that he has been dating Priscilla Meirelles, former Miss Brazil who was crowned Miss Earth 2004. Naka-base na rito sa Pilipinas si Priscilla for modelling stints, at nakatira siya sa isang condominium unit sa Makati.



"Hindi pa naman kami nagli-live in. Pero sometimes, nagpupunta talaga ako sa place niya. Maganda ang epekto sa akin ng relasyon namin dahil inspired ako sa trabaho.



"It's true, hindi mahirap pakisamahan si Priscilla, being a Brazilian. Halos pareho ng temperament ang mga Pinoy at Brazilians. Ang feeling ko, dahil doon, madali kaming nagkakasundo," pahayag ni John sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng London Caregiver kahapon, September 19, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Nilinaw agad ni John sa Brazilian beauty queen na kung gusto nitong magtagal ang relasyon nila, dapat ay willing itong mag-sacrifice by making the Philippines her base.



"Sinabi ko na kasi sa kanya, hindi ko magagawang magtagal sa Brazil to be with her, kasi naririto ang trabaho ko," pahayag ng aktor.



Nangangahulugan lang na namumuhay rito si Priscilla dahil mahal na talaga niya si John. Ito rin ang dahilan kung bakit inamin ni John na nag-iingat na siya sa mga intriga.

GRETCHEN BARRETTO. Gaya na lamang ng nangyari sa kanila ni Gretchen Barretto at pinili na lang ni John na manahimik. Sabi naman ng aktor, nagpaliwanag na siya tungkol dito at humingi na siya ng paumanhin kay Gretchen, kahit hindi naman daw talaga siya ang dahilan kung bakit kumalat ang "kissing photo" scandal nila ng aktres sa Internet.

"Marami ang nagsasabing dapat daw ay ipinagtanggol ko si Gretchen at nagsalita pa ako, pero ang feeling ko, enough na yung nasabi ko. Kung magsasalita pa ako, baka ma-misinterpret.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sabi naman ng friends niya sa akin, okay lang daw kay Gretchen at naiintindihan niya ang tayo ko, kaya I assumed na okey na 'yon. Mukhang nakabuti naman dahil hindi na siya napag-uusapan," paliwanag ni John.



Hanggang ngayon ay hindi pa nagkakasalubong muli ang landas nina John at Gretchen. Magkaganoon man, handa raw si John na harapin ang aktres dahil alam niyang naiintindihan siya nito.



VANESSA DEL BIANCO. Hindi rin ikinaila ni John na may communication pa rin sila ng dati niyang girlfriend na si Vanessa del Bianco.



"Nakapag-move on na ako sa nangyari sa amin," sabi ni John. "I must admit, nasaktan ako nang husto dahil alam naman ninyo, mahal na mahal ko si Vanessa at pabalik-balik ako ng Canada dahil lang sa kanya.



"May plano na kaming magpakasal sana noon, pero talagang hindi uubra ang long-distance affair. Siya na mismo ang nag-decide na makipag-split.



"Nag-uusap pa rin nga kami, as friends. Pero she has been going out with other guys. Walang hurt feelings sa akin. May girlfriend na rin akong bago, kaya dapat lang na we wish each other the best na lang."



LONDON CAREGIVER. Sinabi mismo ni Sharon Cuneta na may grabeng kissing scene sila ni John sa pelikulang London Caregiver na ididirek ni Chito Roño.



"Mayroon nga, kasi ang role ko rito, napahiwalay na asawa ni Sharon na nasa London. Nang magpunta ang misis ko sa London, siyempre sabik na sabik ako sa kanya. Iyon ang motivation," kuwento ni John.



"Naiintindihan naman ni Sharon 'yon. Nagkakuwentuhan kami ni Goma [Richard Gomez] tungkol doon. E, di ba, naging girlfriend niya si Sharon? Para tuloy nagpaalam pa ako sa kanya na maghahalikan kami ni Sharon para sa pelikula," natatawang sabi ni John.



Bakit kay Goma siya nagpaalam? Hindi naman si Goma ang asawa ni Sharon kundi si Senator Kiko Pangilinan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Si Goma kasi ang kaibigan ko, e. Bale naipaalam ko lang sa kanya, kasi ex-girlfriend niya si Sharon. Hindi ko naman personal na kakilala si Senator Kiko para magpaalam ako na hahalikan ko si Sharon," tawa ulit ni John na tila nagbibiro.



JANICE & THEIR KIDS. Maayos din ang usapan ni John at ng dati niyang asawa na si Janice de Belen tungkol sa kanilang mga anak. Matatalino raw ang mga anak niya at si Yna nga raw, kakukuha lang ng entrance exams sa Ateneo. Magsi-l6 years old pa lang si Yna, pero nakatakda na itong pumasok sa kolehiyo next year.



"Natutuwa ako dahil hindi ako yung mahilig sa books. Mababait ang mga anak namin ni Janice at masisipag mag-aral. Kaya mukhang hindi nagmana sa akin," biro niya.



"'Yung anak kong si Yuan, nag-aaral na mag-play ng violin. Mahusay na siya. Classical music ang gusto niya, at natutuwa ako dahil iba yung hilig nila. I'm proud of my children," sabi ni John bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN