Aiza Seguerra: It's a choice between living in the closet and coming out

IMAGE 0


"I don't think it's really a choice if you decide to be gay or not. It'smore of deciding to live in a closet or to come out in the open. Kasinaniniwala ako na ever since, I had it in me. Siguro different lang forother people. But sa akin, bata pa lang ako, alam ko na," says Aiza Seguerra about her sexual preference.



Nagbabalik sa recording scene ang mainstay ng Ysabella at dating child superstar na si Aiza Seguerra through her her new album titled Para Lang Sa ‘Yo (Songs Inspired by Ysabella) under Star Records.



"It's good to be back sa recording studio. Matagal-tagal din ako na hindi nag-album and it's such an honor para sa akin na ang aking latest na album ay dito ko ginawa under Star Records," panimula ni Aiza sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa album launch niya kahapon, September 20.



May favorite song ba siya sa album?



"Wala akong pinakagusto," sagot ng singer-actress. "Pero hindi sa ano, hindi ako nagbebenta ng album na, alam mo ‘yon? Pero lahat sila gusto ko, e. Meron silang kanya-kanyang characteristics kung bakit sila maganda."



ARTIFICIAL INSEMINATION. Nasulat dati na gusto ni Mommy Caring, ina ni Aiza, na gusto niyang magkaroon ng apo. Kumalat din ang balak na pagpapa-artificial insemination ni Aiza para lang magka-baby. Hanggang sa maungkat na ang co-star niya sa Ysabella na si Derek Ramsay ang isa sa gusto diumano ni Aiza na mag-donate ng sperm, na tinanggihan naman daw ng boyfriend ni Angelica Panganiban.



"Dyusko, ano ba 'yan?" natatawang reaksiyon ni Aiza. "Hindi kasi, e, ayoko rin dahil unang-una, magkakilala kami [ni Derek]. Dapat kasi... Hindi mo dapat kilala, e. Kasi siyempre magkakaroon din ng conflict of interest, di ba? Kumbaga, mag-aagawan kami ng anak which is pangit din naman sa bata. Ayoko pa rin."

Ayaw niya dahil ba takot siyang ma-develop kay Derek?

"Aysus!" tawa niya ulit. "Ayoko pa rin muna dahil bata pa ako, alam mo ‘yon? Kumbaga, plano pa ‘yon pero hindi pa ngayon, hindi pa bukas."

"Mahal daw sa States, e," sagot niya.

Kung gagawin daw ni Aiza ang pagpapa-artificial insemination, dapat daw ay sa hindi niya kilala. Mahirap daw kasi kapag kilala niya yung guy. Alam din daw ito ng kanyang mga magulang na sina Mommy Caring at Daddy Dick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi pa naman ngayon kung sakali," sabi pa ni Aiza.

Paano at bakit napasok si Derek sa isyu ng magdo-donate sa kanya ng sperm cell?



"Siguro dahil magkasama kami sa Ysabella. ‘Tsaka kasi siguro nauna si Jason [Abalos]. Kasi naman, sabi nga niya [Jason], ‘Dude, sorry mali ang biro ko.' Sabi ko, ‘Ayan kasi, bibiro-biro ka.' E, siyempre tinototoo," paliwanag ni Aiza.



Payag ba ang girlfriend ni Aiza na si Chen Sarte na mag-undergo ng ganung treatment para magkaanak?



"Oo. Kumbaga, lahat naman ng plano pinag-uusapan namin," ani Aiza.

Kabilang banda, payag din daw si Aiza na gawin ito ng girlfriend niya sa ibang lalaki kung gusto nitong magkaroon ng sariling anak.

Kailan ba plano ni Aiza na magpa-artificial insemination?



"I don't plan things like that," sagot ni Aiza. "Lahat ng sinasabi ko are options, e. Siguro whenever na ma-feel ko. Siguro ganun, pag feel mo na handa ka na, gawin mo. Kapag hindi pa, e, di hindi pa. Kasi mahrap din naman pilitin, e. Hindi ka pa handa but since masyado ka nang, ‘Syet, tumatanda na ako!' Ayoko rin naman ng ganun."



So, ano ang definite plans niya right now?



"Wala, kasi hindi ako nagpa-plano talaga, e," sagot niya. "Hindi ako ganung tao. Hindi ako pala-plano na tao. Siguro plano ko ngayong araw lang, bahala na bukas."

NO REGRETS. Naging isa ba sa regrets niya sa buhay ang pagiging babae niya?



"Ay, hindi! Kasi masaya ako, e," pagtanggi ng dating child superstar. "Para sa akin kasi, ganito ‘yon, e... I don't think it's really a choice if you decide to be gay or not. It's more of deciding to live in a closet or to come out in the open. Kasi naniniwala ako na ever since, I had it in me. Siguro different lang for other people. But sa akin, bata pa lang ako, alam ko na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Tanggap daw ng parents niya ang kanyang sexual preference, although hindi naging ganun kadali para sa kanila. Pero bakit inamin ni Aiza na lesbian siya?



"Hindi kasi, alam mo yung... Nandun yung factor na minsan hindi mo na puwedeng itago yung mga ganung bagay, e. Kasi nakikita rin naman nila, ‘no! I think I owe it din na malaman nila," paliwanag ni Aiza.



What if ligawan siya ng lalaki?



"Honestly, ganito, kasi ganito ‘yan, e... Sa estado ko ngayon, kasi masaya ako, e. Masaya ako and kuntento ako sa amin [ni Chen]. Wala akong mahihiling pa. I don't think it's possible not because close ako sa... hindi babae lang, hindi. Right now, it's impossible kasi mahal ko siya. Masaya kami kaya imposible. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari, pero sa ngayon, masaya kami," paliwanag ni Aiza.



Sa palagay naman ng iba, kahit mag-asawa sa isang lalaki si Aiza, mukhang hindi naman daw ito magwu-work.

"Hindi, kasi the mere fact na ang panghi ng ihi ng lalaki!" huling hirit ni Aiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN