Willie Revillame explains "Wilyonaryo" mishap, apologizes to Joey de Leon

IMAGE 0


"Pero gusto kong malaman n'yo, humihingi ako ng paumanhin kay Mr. Joeyde Leon. Kung nasaktan ko siya... Joey de Leon, kaibigan, pare, from myheart, I'm so sorry kung nasaktan kita. Pero tandaan mo, idol pa rinkita," says Willie Revillame to Joey de Leon.



Isang araw pagkatapos mag-leave sa kanyang ABS-CBN show na Wowowee si Willie Revillame, muling napanood ang controversial TV host sa naturang porgrama kahapon ng tanghali, September 4. Ipinaliwanag na rin sa wakas ni Willie ang diumano'y dayaan sa "Wilyonaryo" game portion ng Wowowee noong August 20, bilang sagot na rin sa kahilingan ng nakaalitan niyang si Joey de Leon ng Eat Bulaga.

Matatandaang noong August 20 episode ng Wowowee, na ikalawang araw lang ng "Wilyonaryo" game portion, ay dalawang numero—"0" o zero at "2"—ang nakita sa violet wheel, na dapat sana ay naglalaman lang ng P2-million jackpot prize.

Habang hawak ng isang Wowowee staff ang violet wheel na naglalaman noon ng mga numerong "0" o zero at "2," ipinaliwanag ni Willie kahapon na ang disenyo ng wheels na ginagamit sa "Wilyonaryo" jackpot prize ay may depekto.

"Lahat po ng base namin, meron pong zero. Tumatawad po ako, kailangan po zero muna ang lumalabas. Zero muna ang lumalabas kapag nagtatawaran kami [ng contestant]. Ayan po, para nakakatawad at nakakapagdesisyon ang ating contestant kung 'Wilyonaryo' o uuwi na siya," paliwanag ni Willie habang ipinapakita ang laman ng wheel.

Kung "Wilyonaryo" ang pipiliin ng contestant ay may pagkakataon siyang manalo ng alinman sa P2 million, P1 million, P500,000, o di kaya ay house and lot. Kapag "Uwi Na Me" naman ang pinili ng contestant ay maiuuwi na niya ang anumang halaga na napanalunan niya sa elimination round.

TWO NUMBERS. Sinagot din ni Willie ang tanong ng marami kung bakit dalawang numero ang nakalagay sa iisang wheel.

"Bakit po tatlo? Nandiyan ang zero, ang 2, at may pang-cover [na film o filter]. Kasi po, 'eto pong dalawang ito [2 at cover], 'pag ang contestant, e, nakita sa likod [binaligtad ang wheel], labingdalawa po ‘yan, isa lamang ang nakalagay [ipinatong ang "2" sa likod], alam na po niya agad na may laman ang 'Wilyonaryo,'" paliwanag muli ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginawa raw nila iyon bilang proteksiyon sa mga premyo at sa mga contestants para hindi makapandaya. Pero binago na raw ang disenyo ng mga wheel kaya isang number na lang ang nakalagay sa bawat wheel.

"SORRY, JOEY." Bukod sa pagpapaliwanag tungkol sa "Wilyonaryo" controversy ay humingi na rin ng paumanhin si Willie kay Joey de Leon dahil sa mga naging pahayag niya laban sa Eat Bulaga! host noong August 28.

"Naging emosyonal ako. Pero gusto kong malaman n'yo, humihingi ako ng paumanhin kay Mr. Joey de Leon. Kung nasaktan ko siya... Joey de Leon, kaibigan, pare, from my heart, I'm so sorry kung nasaktan kita. Pero tandaan mo, idol pa rin kita," sabi ni Willie on air.

Samantala, nakunan naman ng pahayag ng GMA News si Joey tungkol sa pag-a-apologize ni Willie. Pero ayon sa veteran comedian-TV host ay hindi pa raw siya makapagbibigay ng komento dahil hindi pa niya napapanood ang paghingi ng paumanhin ni Willie. Biro pa ni Joey, papanoorin muna raw niya sa You Tube ang paliwanag at paumanhin ng Wowowee host bago siya magbigay ng reaksiyon.

Ganunpaman, nagpaunlak pa rin siya ng kaunting pahayag.

"Sa akin, wala akong problema diyan," sabi ni Joey sabay senyas ng peace sign sa magkabilang kamay. Pagkatapos ay pinalitan niya ang peace sign ng zero sign sa kanyang isang kamay.

"Asar talaga ako, e, wala akong magagawa," pahabol niya.

Bagama't nakapagpaliwanag at humingi na ng paumanhin kay Joey si Willie, mukhang desidido pa rin ang Senado at ang Department of Trade and Industry na ituloy ang imbestigasyon sa Wowowee. Kaugnay nito ay nakisali na rin sa usapin ang dating aktor at ngayo'y congressman na ng lalawigan ng Laguna na si Dan Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN