Comedian Ryan Yllana postpones obesity surgery to save up first

IMAGE 0


Ryan Yllana, the younger brother of Anjo and Jomari Yllana, has decided to postpone his bariatic or obesity surgery. The comedian wants to save up first for his operation.



Mapu-postpone ang pagpapa-opera ng comedian na si Ryan Yllana ng kanyang bituka o intestine sa pamamagitan ng bariatic surgery o obesity surgery.

Dapat bago matapos ang taong ito, sasailalim sa nasabing operasyon ang nakababatang kapatid nina Anjo at Jomari Yllana, pero ipinagpaliban nito ang pagpapaopera para pagbigyan ang sariling makapagtrabaho muna.

Ang bariatic surgery ay isa sa mga mabisang paraan ng pagpapayat. Base sa paliwanag ni Ryan sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sa bariatic surgery ay paliliitin ang intestine ng pasyente para maiwasan ang pagkain nito ng marami. Pag lumiit na ang bituka ng pasyente, madali itong mabusog sa konting pagkaing kakainin nito. Dahil dito garantisadong papayat ang isang obese na pasyente.

Last year pa plano ni Ryan ang sumailalim sa ganitong operasyon para pumayat, pero na-delay ito dahil sunud-sunod ang kanyang mga TV projects sa GMA-7. Lumalala rin ang slip disc ni Ryan dahil sa katabaan kaya naman nais nitong magbawas ng timbang sa madali at mabisang paraan.

Madalas kasing hindi halos makalakad ang komedyante kapag sinusumpong ito ng pananakit ng likod. Hindi na nakakaya ng kanyang likod ang sobrang katabaan niya kaya kapag sinusumpong ito ay nahihirapan siyang nakatayo nang matagal at maglakad.

Pinagdi-diet na si Ryan ng kanyang doktor para sa kapakanan ng kanyang slip disc. Sandali raw siyang nag-diet pero hindi nito nakayanan.

Bibigyan pa ni Ryan ng ilang buwan ang sarili bago siya tuluyang sumailalim sa bariatic surgery. Base sa pagtatanong ni Ryan sa kanyang doktor, isa hanggang tatlong buwan ang recovery period ng pasyente matapos ang operasyon.

Anytime daw ay puwedeng ipatawag ng Kapuso Network si Ryan para mapabilang sa isa sa mga bagong serye ng GMA-7. Nanghihinayang ang komedyante kung pakakawalan niya o tatanggihan ang projects sa kanya. Isa pa, pag-iipunan rin ng comedian ang gagastusin dito para hindi na rin siya maging pabigat sa kanyang mga kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dating athletic ang katawan ni Ryan. Pero dahil sa isang aksidente, hindi na niya napigilan ang pagtaba.

Bagama't wala pang susunod na project si Ryan matapos ang pagwawakas sa ere ng Mga Mata ni Anghelita sa October 5, positibo siyang mabibigyan agad ng bagong assignments. Ang isa pang project ni Ryan sa GMA 7 ay ang Takeshi's Castle kung saan kasama niya si Joey de Leon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN