It's a three-in-one celebration for Nene Tamayo and family

IMAGE 0


September 27, 2007 is a very special day for Pinoy Big Brother Season 1 Big Winner Nene Tamayo. Aside from celebrating her birthday, this is also her first wedding anniversary with husband Anthony Plamio, and later today, their firstborn, baby Zan, will be baptized.



Big day ngayong araw na ito, September 27, para sa kauna-unahang Pinoy Big Brother winner na si Nene Tamayo. Ise-celebrate ni Nene ang kanyang kaarawan, first wedding anniversary nila ng mister niyang si Anthony Plamio, at ang dedication ng four-month-old baby nila na si Zan.



Tinext ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nene para alamin ang kanyang birthday wish. At ito ang tinext niya sa amin: "I wish and pray that the Lord may continue to bless and guide her family."



Lihim na nagpakasal sa isang civil ceremony si Nene kay Anthony—na isang international dance instructor at dati niyang dance partner sa U Can Dance—noong September 27, 2006 sa Scout Tobias, Quezon City.



Unang nalaman ng publiko ang pagpapakasal ni Nene kay Anthony sa The Buzz after two months. January this year, masayang in-announce ng mag-asawa sa The Buzz ang pagdadalang-tao ni Nene.



Nasa press conference noon ang PEP sa Mowelfund Plaza nang i-text kami ni Anthony informing us na nasa delivery room na si Nene. Isinilang ni Nene si baby Zan noong May 31 sa Delgado Hospital sa Kamuning, Q.C.



Ngayong 3 p.m. nakatakdang binyagan si baby Zan sa St. Paul Parish Church sa Timog, Q.C. White ang motif ng binyag at mahigit 20 pairs ang godparents niya.

Kabilang sa mga godparents ang mga housemates ni Nene sa PBB na sina Sam Milby, Jayson Gainza, Rico Barrera, Bob dela Cruz, JB Magsaysay, Franzen Fajardo, Uma Khouny, Chx Alcala, Cass Ponti, Say Alonzo, Jenny Suico, at Racquel Reyes.

Ang iba pang celebrity godparents ni Zan ay sina RS Francisco, Maribeth Bichara, Jenny Miller, Jessica Asis a.k.a Laila Tsikadora, Hazel Ann Mendoza, Angel Santos, at ang PEP contributor na si Julie Bonifacio. The rest ay mga malalapit na kaibigan nina Nene at Anthony.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN