Filipino-Irish Jon Avila is proud of his Pinoy roots

by Ambet Nabus
Sep 29, 2007
The Star Circle 15 talent is gearing up to become an actor. He is set to appear in the Aga Muhlach-Anne Curtis movie, Waiting for your Love, and indie film Nars with Jennylyn Mercado.

Among the September birthday celebrants of Star Magic, naging kapansin-pansin si Jon Avila or Jonathan dela Cruz Mullally in real life.

Miyembro ng Star Circle 15 ang 22-anyos (na umaming showbiz age lamang niya) na ramp at print model na nakilala dahil sa kanyang kaseksihan sa Bench billboard, pero mas impressive siyang makipag-usap. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jon Avila, nadiskubre namin ang tatas niya sa pagsasalita ng Tagalog.

Born, raised, and educated si Jon sa England pero hindi niya nakaligtaan ang kanyang native tongue. Nakatapos siya ng kursong Business Studies sa Chelmsford College at sa England na rin siya unang nagtrabaho. Produkto si Jon ng isang magandang marriage between his Pinay mom Teresita de la Cruz, a nurse from San Ildefonso, Bulacan, and his Irish father Patrick Mullally, also a nurse in England.

The newbie takes pride in saying that he is more Pinoy than Irish. "Ganyan po siguro ang epekto ng sobrang attachment ko sa nanay ko," paliwanag ni Jon na hindi rin nahiyang amining mama's boy siya.

Continue reading below ↓

"Well, dalawa lang po kaming magkapatid ng ate ko, who is also a nurse in England. Although we grew up being so close with each other, ako po yata talaga ang nakamana nung mga Pinoy traits ng nanay ko—from learning to love the language, to food, to customs, to values, and even to preferences on little things. Lahat yun ay may influence ng nanay ko," pagmamalaki pa ng binata.

Hindi mo nga talaga aakalaing may dugong banyaga siya kung pakikinggan mo lang siyang magsalita. Pero sa unang tingin, very foreign-looking ang dating niya talaga dahil sa kanyang green eyes at mestizo features.

Naikuwento rin ni Jon kung paano siya nadiskubre. Nagbabakasyon lang daw sila dito some two years back nang makita siya ng isang talent scout habang namamasyal, kasama ang kanyang nanay sa SM North Edsa.

"I was then about 200 pounds and sobrang chubby talaga for my 6' 2" height and frame when somebody approached me and asked me kung gusto kong subukan ang modeling. I was advised then to lose a little bit, which I did naman in three months [from 200 to 175 lbs]. 'Tapos yun na, nabigyan na ako ng mga projects," kuwento ni Jon.

Continue reading below ↓

Hindi na raw niya naisip na balikan pa ang trabaho niya bilang isang account manager sa isang bangko sa England, kahit pa walang kasiguruhan noon ang plano niyang pasukin ang showbiz.

"For no reason at all, when I was asked at that instant, parang may kung anong childhood dream na nabigyan ng katuparan. I was supported by my mother, and my father and sister understood naman, and now they are happy for me. They all work in a hospital in England."

Solo living ngayon ang binata sa isang condo unit na nabili ng ina para sa kanya at proud niyang naikuwentong siya lahat ang gumagawa ng mga gawain, including the cleaning and the cooking. He also rides the MRT when going to his tapings and shootings dahil sobra raw siyang nagtitipid.

Naitanong ng PEP kung may girlfriend na ang binata at ayon sa kanya'y wala na since pinasok niya ang showbiz. "But I go out to date. I got lots of nice female friends and, for me, that's healthy at this time. No hurry for me dahil gusto ko talagang seryosohin ang pag-arte sa TV at movies," seryosong paliwanag ni Jon.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan ay kasali si Jon sa Aga Muhlach-Anne Curtis starrer na Waiting For Love ng Star Cinema, at sa indie movie na Nars bilang leading man ni Jennylyn Mercado. He also hopes to be part of the Sharon Cuneta movie na Caregiver na magsisimula nang i-shoot sa London this October 15. On TV, napapanood na siya sa Pedro Penduko at ang mga Engkantao (in his thick Pinoy tongue as "tiktik") at every Sunday sa ASAP 07.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Star Circle 15 talent is gearing up to become an actor. He is set to appear in the Aga Muhlach-Anne Curtis movie, Waiting for your Love, and indie film Nars with Jennylyn Mercado.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results