Ryan Yllana admits relationship with Ailyn Luna is on the rocks

IMAGE 0


The case of Ryan Yllana (left) and Ailyn Luna (right) is not the first in showbiz. Angel Locsin and Oyo Sotto, Ara Mina and Polo Ravales, and Alfred Vargas and LJ Moreno all cited "lack of time for each other" as the reason for their breakup. Alfred and LJ were able to patch things up, but the other two couples parted ways.


Malungkot na sinabi ni Ryan Yllana na nagkakalabuan na raw sila ng kanyang girlfriend na si Ailyn Luna. May isang taon na nga raw silang may relasyon pero nitong mga huling buwan daw ay hindi na sila nagkakausap nang maayos.

Ang itinuturong dahilan ay ang pagiging masyadong busy ni Ryan. Bukod nga sa Mga Mata ni Anghelita, na magtatapos na next week, ay napapanood din si Ryan sa Takeshi’s Castle daily. May mga pelikula pang ginagawa ito kaya yung dapat daw na oras niya para sa girlfriend ay nagagamit niya sa trabaho.

“Ayokong sisihin ang trabaho ko kung bakit kami nagkakalabuan. Hindi lang siguro maintindihan ni Ailyn ang pagiging busy ko. Totoo ngang nawalan ako ng time for her kasi sunud-sunod ang trabaho. Tapos nagpapa-therapy pa ako, so talagang wala na kaming time na magkita or lumabas. Hanggang sa pag-text na lang talaga at tawag sa telepono,” paliwanag ni Ryan.

Sinusubukan nga raw ni Ryan na maayos ang problema nila ni Ailyn. Pero nasabi nga rin ni Ryan na mas galit sa kanya ang ina ng StarStruck Batch 1 alumna. Kaya hindi raw niya makausap ng husto ang kanyang girlfriend.

“Hindi ko rin alam kung bakit galit ang mommy niya sa akin. Ayaw niyang ipakausap sa akin si Ailyn. Gusto ko ngang magkausap kami para magkaayos. Yun ang gusto kong gawin talaga. Pero gagawa ako ng ibang way para makausap ko si Ailyn. Gusto ko rin namang i-save ang relasyon namin,” ang sabi ng komedyante.

Ilang beses na raw kasing napatunayan ni Ryan na mahal siya ni Ailyn. Noong mga panahon na inaatake si Ryan ng kanyang sakit na slip disc ay nandoon daw si Ailyn sa tabi niya para pagsilbihan at alagaan siya. Nahihiya nga raw siya rito dahil parang naging private nurse niya ang kanyang girlfriend.

“Kaya nga gusto kong magkaayos kami dahil gano’n ko siya kamahal. Na-prove na niya sa akin na kahit anong pagdaanan ko ay nandoon siya. Ngayon gusto kong patunayan na siya pa rin ang babae para sa akin. Dasal ko nga na maayos kaming dalawa,” ang hiling ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN