Former PBB Housemate Nel Rapiz to host regional game show while finishing nursing course in Iloilo

IMAGE 0


Nel Rapiz will finish his nursing course in Iloilo so that he can help his family. While there, he will also host a regional game show under his contract with Big Dream Productions.


Ipagpapatuloy ng Pinoy Big Brother Season 2 housemate na si Nel Rapiz ang kanyang naudlot na nursing course. Isang semester na lang kasi ang natitira at nanghihinayang si Nel na hindi ito tapusin.

Ngayong October nga ay babalik na siya sa Iloilo para tapusin ang nasabing kurso sa West Negros College. May tiyahin daw siya na isang nurse sa California na handang tulungan siya para makapasok sa trabaho kapag nakatapos na siya at nakapasa ng board exam.

Ayon kay Nel, "Pinag-isipan kong mabuti ang gagawin ko at nakapag-decide nga ako na ituloy na ang nursing course ko. Sayang din kasi one semester na lang. Inisip ko rin ang future ko. Masaya sa showbiz pero hindi siya stable na trabaho para sa ilan.

"Gusto ko rin namang makatulong sa mga magulang ko sa pag-aaral ng dalawa kong kapatid. May sakit din ang lola ko kaya tulung-tulong kami sa gastusin. Kung maging okey naman ang pagiging nurse ko, puwede ko nang pagpahingahin ang mga magulang ko sa trabaho at ako na ang bahala sa pamilya namin."

Inamin ni Nel na noong nasa loob siya ng Bahay Ni Kuya ay napaka-extrovert niyang tao. Mahilig siyang makipagbiruan at makipaglokohan. Pero noong nakalabas na raw siya, bigla raw may nabago sa kanya at bigla raw siyang naging mahiyain.

"Nagulat din ako sa sarili ko kasi hindi naman ako mahiyain before. Makulit akong tao, eh. Pero bigla akong naging conscious sa mga kilos ko after I came out ng Bahay Ni Kuya. Parang nahihiya pa nga ako kapag may nakakakilala sa akin at gusto nilang magpa-picture kasama ko. Siguro masyado lang naging mabilis ang lahat para sa akin. Parang nagsisimula pa lang akong mag-adjust," kuwento ng dating PBB housemate.

Kakapirma nga lang ng two-year managerial contract ni Nel sa Dream Big Productions. Sa pag-uwi nga niya sa Iloilo ay magkakaroon siya ng isang weekly regional game show kung saan siya ang magiging host. Ang mananalo raw sa game show na iyon ay ipapadala sa Manila para
makipag-compete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit na nasa Iloilo ako, binigyan pa rin ako ng trabaho. Okey lang naman sa Dream Big ang naging desisyon ko at susuportahan daw nila ako sa gusto kong mangyari."

Ibinalita rin ni Nel na nakapag-shoot na siya ng comedy movie na pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas at Rufa Mae Quinto, ang Pasukob. Kasama rin niya sa movie ang mga co-PBB housemates na sina Bodie Cruz at Robert Woods.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN